Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a. Dudut.
Kung ang hanap mo’y pasta recipes na swak sa panlasang Pinoy ngunit may international twist, hatid na ‘yan ni Dudut sa kanyang latest YouTube vlog.
Una sa kanyang mga ipinakita ay ang Filipino-style Chicken Alfredo. Niluto ni Dudut ang pasta kasama ang chicken breast, mushrooms, sibuyas, at bawang sa mantika. Sunod n’ya itong tinimplahan ng asin, paminta, at oregano. Idinagdag din niya ang cream at pasta broth upang maging malapot at creamy ang sauce.
Ayon kay Dudut, “I am a proud Filipino,” kaya mas pinili niyang lagyan ng mas maraming ingredients ang kanyang Alfredo para sa mas malinamnam at flavorful na pasta.
Sunod naman niyang inihanda ay ang Italian-style Alfredo. Gumamit si Dudut ng butter, pasta broth, at Parmigiano Reggiano, na nagbigay ng rich at creamy na lasa. Walang manok o mushroom, ngunit classic at puro lasa ng pasta at cheese ang bumabalot sa bawat kagat.
Hindi rin pinalampas ang Pasta al Pomodoro na may olive oil, bawang, kamatis at fresh basil. Light, fresh, at swak sa mga naghahanap ng healthy pasta dish.
Syempre, bida rin ang Pinoy-style Spaghetti. Gumamit si Dudut ng ground beef, hotdog, bawang, at sibuyas, at nilagyan niya rin ito ng matamis na sauce gamit ang puting asukal.
Para sa dagdag na creamy at cheesy factor, naglagay din siya ng naguumapaw na keso sa ibabaw ng kanyang sauce.
Kayo mga kapitbahay, alin sa mga pasta recipes ni Dudut ang gusto niyong subukan? I-comment na ‘yan!
Watch the full vlog below:
Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…
Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…
Aside from her fierce makeup looks, Viy Cortez-Velasquez’s followers adore how she elevates her looks…
Isang masayang adventure ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng matapos nilang…
Viyline is set to kick off a new weekly digital shopping series—“Friday PAAWER Deals,” a…
Isang kwento ng pagsusumikap ang handog ni Aaron Oribe sa mga manonood. Taglayin ang inspirasyong…
This website uses cookies.