Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si Zeinab Harake-Parks at aktres na si Belle Mariano.
Mapagtagumpayan kaya ng dalawa ang pagsulit sa ilan sa mga ipinagmamalaking street food selections ng mga taga University of the Philippines Diliman?
Sa kanyang bagong vlog, masayang sinalubong ni Zeinab Harake-Parks ang phenomenal Kapamilya actress na si Belle Mariano.
Isang UP Street Food Challenge ang hatid ni Zeinab para kay Belle, na kanilang taas noong hinarap ng magkasama.
Dumaan ang dalawa sa Gyud Food, isa sa mga sikat na food hub sa nasabing unibersidad na kilala sa mga malasa at budget-meal food selections.
Ilan sa kanilang mga tinikman ay takoyaki, at sirloin steak. Hindi rin pwede mawala sa kanilang appetizers ang all-time Filipino favorite na fishball, kikiam, at kwek-kwek.
Matapos tikman ang kanilang unang naorder, hindi maitago nina Belle at Zeinab ang pagkatuwa sa kanilang mga nabili.
“Masarap s’ya! Truly, lasang Pinoy,” komento ng dalawa.
At dahil nasa UP Diliman nalang rin naman sina Belle at Zeinab, hindi nila pinalampas na mabisita ang isa pang sikat na kainan sa nasabing campus —Mang Larry’s Isawan.
Kwento ni Belle, noon pa man ay hilig na nito magpabili ng mga inihaw sa Mang Larry’s gaya ng isaw, dugo, calamares, at marami pang iba.
“Grabe ‘yung isaw! Ang sarap!” ani Belle.
Samantala, marami sa mga manonood ang nabusog at natuwa sa unexpected collab nina Belle at Zeinab.
@SittieAhsiaMacarimbang: “Ang kyut ni Belle!!! Didnt know she had this side!”
@regadoonegeea5330: “The collab I didn’t expect to happen but I’m glad it did!!!!”
@lenorequibael4130: “Ako lang ba nakakapansin na ang warm at magaan ang energy ng mga nakaka-collab ni Zeb?”
@trixieannesalvador998: “I admire how Zeinab knows exactly how to adjust her approach to each person she collaborates with.”
Watch the full vlog below:
Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…
Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
This website uses cookies.