Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at Kidlat sa tuwing sila ay magkasama.
Tunghayan ang ilan sa mga cute bonding moments ng dalawa at kung ano ang mga reaksyon ng online titos and titas dito.
Sa isang Facebook post ni Mommy Viy Cortez-Velasquez, umabot ng halos isang daang libong ‘HAHA’ reactions ang litrato nina Kidlat at Viela na magkatampuhan.
“Yung parehas kayong ma-pride,” biro ni Mommy Viy sa kanyang post.
Ang nasabing post ay umani rin ng mga nakakatuwang mga komento mula sa mga netizens na natuwa sa litrato ng magpinsan.
Jhoane Obiasca: “Unang ngingiti si Kidlat pag humarap”
Carla Lynne Parreño Monterozo-Limjoco: “‘Yung kutsilyo ni Kidlat!”
Potch Ferrer: “Sino po nanalo sa pataasan [ng pride]?”
Mae Manuel: “May kutsilyo na yan sha hahahhahahahaha!”
Sef Galicia: “‘Yung kutsilyo mo Kidlat!”
Samantala, kinabukasan matapos ang kanilang tampuhan, muling nagbahagi si Mommy Viy ng litrato nina Viela at Kidlat suot naman ang kanilang mga costume.
“Update lang okay na po ang mag bff,” saad naman ni Mommy Viy sa kanyang post.
Gaya ng naunang post, muli itong inulan ng mga nakakatuwang reaksyon mula sa kanilang mga online titos and titas.
Diyeysone Jhaysone: “Gagambang bochog ang Kidlat namin!”
Ursua Angel: “Cute ng daliri ni Kidlat sa paa haha!”
Ezyl Tulaylay: “Bati na po ulit sila!”
Marifer Sarcon: “Ang cute ni Spiderman, may lampin sa likod. Hahahaha!”
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
This website uses cookies.