Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY project para sa mga mommies at small business owners sa pamamagitan ng paggawa ng 16 litrong dishwashing liquid gamit ang Twice Cleaner Calamansi Dishwashing Liquid. 

Ayon kay Ate Ivy, perfect itong gawin ng mga naghahanap ng dagdag pagkakakitaan dahil sa halagang Php 220 lamang, makakagawa ka na ng labing-anim na bote ng dishwashing liquid, kaya pumapatak na PHP 13.75 lang ang puhunan kada litro.

Budget-Friendly Home Hack

Sa simula ng vlog, ipinakita ni Ate Ivy ang simpleng mga kailangan: 15 litro ng tubig, isang bote ng Twice Cleaner Calamansi concentrate, at mga bote na paglalagyan ng finished product. 

Ipinakita rin niya kung gaano kadali ang proseso mula sa pagbubuhos ng concentrate sa tubig hanggang sa paghahalo ng mixture. Payo n’ya, kinakailangang iwan ito ng tatlong oras bago tuluyang ilagay sa mga bote.

Kwento niya, kaya rin kayong tulungan ng Wise Cleaner sa pag-order ng bottles at stickers para mas maging presentable ang inyong produkto.

Simple Start-Up Idea

Matapos ang ilang oras ng paghihintay, ipinakita na ni Ate Ivy ang malinaw, mabango, at ready-to-use na calamansi dishwashing liquid. 

Panalo raw ito para sa mga mommies na gustong magtipid, at lalo na para sa mga gustong pumasok sa munting negosyo dahil DIY-friendly, mura, at mabilis lang itong gawin. 

Tiniyak din niyang kaya itong simulan kahit ng mga baguhan dahil kumpleto na ang mga kailangan at sobrang dali lang ng proseso.

Sa huli, nagpasalamat si Ate Ivy sa mga sumusuporta at hinikayat ang kanyang viewers, lalo na ang mga wais na mommies na subukan ang Wise Cleaner Calamansi Dishwashing Liquid bilang praktikal na solusyon sa bahay at posibleng simula ng isang maliit na negosyo.

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

9 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.