Hindi napigilan ang excitement ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang kanilang tuwa nang makiisa sa nagdaang ‘Deadline’ concert ng KPop group na BLACKPINK.
Tunghayan ang mga hindi malilimutang ‘fangirl’ at ‘fanboy’ moments ng naturang Team Payaman power couple.
Sa kani-kanilang mga social media posts, ibinahagi nina Junnie Boy at Vien ang mga tagpo sa nagdaang 2-day concert ng grupong BLACKPINK na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.
Isa ang panonood ng live KPop concerts sa mga bonding ng mag-asawa, dahilan upang humanga ang kanilang mga taga-suporta sa kanilang pagiging fangirl at fanboy.
Sa isang Facebook post, hatid ni Junnie ang ilan sa mga litrato at mga video kasama ang asawang si Vien habang nanonood ng nasabing concert.
“To more concerts with my number one girl [Vien]!” ani Junnie.
Bukod dito, isang mini vlog din ang handog ni Junnie sa kanyang mga manonood na hindi nakapunta sa concert ng BLACKPINK.
Dito, ipinasilip n’ya ang mga tagpo mula sa BLACKPINK fan experience na handog ng VISA Philippines.
Hindi rin nagpahuli si Vien na ibahagi ang ilan sa mga tagpo sa kanilang BLACKPINK ‘Deadline’ concert experience.
Samantala, marami sa mga taga-suporta nina Junnie at Vien ang naantig at natuwa sa kakaibang bonding ng mag-asawa.
@Jasonnnn: “Nakita ko kayo ni bossing Junnie!! Tinawag ko kayo tapos kumaway kayo parehas. Sobrang babait huhu!!!”
@dino.frfr: “JUNNIE, THE MAN THAT U AREEEEE!!!”
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.