Muling nag-krus ang landas ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada at comedic actor na si Michael V.
Silipin ang mga tagpo sa kanilang muling pagkikita, at alamin ang komento ng mga manonood ukol dito.
Sa kanyang bagong vlog, inanunsyo ni Yow na muli syang magiging parte ng long-time running comedy show na Pepito Manaloto.
Habang hawak ang kanyang script, buong galak ni ibinahagi ni Yow ang magandang balita sa kanyang mga manonood.
Hindi maitago ang tuwa at pagkagalak ni Yow dahil ito ang ikalawang beses na makakasama s’ya sa nasabing show.
“Sa mga hindi nakakaalam, sobrang idol ko ‘yang si… Ay hindi pala idol. He’s some kind of my hero [si Michael V.],” kwento ni Yow.
Kwento pa ni Yow, isa siya sa mga malalaking tagahanga ni Michael V., at wala itong pinalampas sa kanyang mga parody at skits.
Maya maya pa ay naghanda na si Yow ng kanyang mga susuotin para sa kanilang taping. Kinabukasan, taas noong sumalang sa set ang naturang Team Payaman actor.
Ilang behind-the-scenes clips din ang ipinasilip ni Yow sa kanyang vlog kung saan kitang kita ang kanyang interaksyon kasama ang iniidolo.
Matapos ang kanilang shoot, agad na pinapirma ni Yow ang kanyang script sa kanyang idol na si Michael V. Bukod dito, humingi rin s’ya ng payo para sa mga aspiring actors.
“Be real lang talaga. Dapat totoo ka talaga, iba ‘yung authenticity na nakikita ng mga tao at nararamdaman nila,” payo ni Bitoy.
Samantala, marami sa mga manonood ni Yow ang nagpahatid ng pagbati sa panibagong milestone na kanyang natamasa.
@jepMangahas: “Thank you for representing us, Yow! Sobrang fan din kami ni Bitoy. I mean sino bang hindi! Since early years of BBG! Grabe. Parang firsthand na rin namin silang nameet lalo si idol.”
@aprilcollis5375: “Kaya tumatagal din ang Pepito dahil ang humble ng mga cast!”
@arnieumali4907: “Epic talaga seeing Yung Hero mo. Yan din maramdaman namin pag Ikaw Naman Makita namin Kuya Yow!”
@maxtvwonder: “Ang buhay na trip ko na sa’yo, Yow!”
@JustinConcepcion-z4o: “My favorite team payaman member x my favorite comedian”
Watch the full vlog below:
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.