Cong TV Takes On Mission To Bring Team Payaman to Japan with Multiple-Entry Visa

Laughtrip na naman ang hatid sa netizens ng pinakabagong YouTube upload ni Cong TV kung saan ginawa niyang misyon ang pagkakaroon ng multiple-entry visa sa Japan ng ilang Team Payaman Wild Dogs.

“MULTIPOL”

Nag-umpisa ang “MULTIPOL” vlog nang halungkatin nina Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, at Aaron Macacua, a.k.a Burong Rattan, ang mga vlogging equipments ni Cong TV na nakatambak lang sa bahay. 

Lahat ng gamit at kayamanan nandito, galing ho ‘yan sa ambagan ng mga joke namin. Hindi ka na naman nagvo-vlog,” biro ni Dudut kay Cong. 

Banat naman ni Cong ay huwag siya tirahin, imbes ay asikasuhin na ang kanilang multiple-entry visa papuntang Japan upang makabuo na sila muli ng mga pangmalakasang vlogs. 

Hindi mawari ng TP Wild Dogs kung bakit nga ba laging denied ang kanilang visa application, kaya naman minabuti ni Cong na mag-isip ng mga solusyon upang makatulong mapadali ang proseso.

Ibinida ni Steve Wijayawickrama ang kaibigang 100% Japanese ngunit marunong mag salita ng wikang Filipino na si Iwaki “Iwa” Maegawa, isa sa mga miyembro ng Japanese boy band na ‘Skygarden’.

Dito na nila naisipan humingi ng tulong kay Iwa gamit ang “Modus Operandi” na bawal late, bawal bastos, at basta lowkey lang upang hindi mahalata ang kanilang binabalak. 

Bonding-in natin nang maigi,” ani ni Cong.

Modus Operandi

Tinagpo ng buong grupo si Iwa sa isang mall kung saan nilibre nila ito sa kainan, binili ng mga bagong mga sapatos at damit galing sa Peak Sports PH, at hinunta ng maigi.

Napag-alaman nila na mahilig din si Iwa sa motor at mayroon siyang International Driving Permit kung kaya naman niyaya rin nila ito sa isang quick motor ride papuntang Tagaytay kung saan sila kumain ng samu’t saring Filipino food. 

Laking tuwa ni Iwa sa buong karanasan kasama ang TP Wild Dogs kaya naman noong nagtaka na si Iwa kung bakit nga ba ang bait nila sa kanya, agad itong sinagot nina Cong.

Tuwing pumupunta kami ng Japan, laging ang babait sa amin ng mga Hapon. So, gusto namin ibalik sa pamamagitan mo lahat ng kabaitan samin,” ani Cong kay Iwa.

We are like this to everyone,” dagdag pa ni Dudut.

Subalit, noong ibinahagi na ni Cong ang totoong problemang kanilang kinakaharap, tinanong  ng grupo kung may kamag-anak o kaibigan ba si Iwa na Hapon na maaaring makatulong. 

Ang sagot lang ni Iwa ay kaibigan niya ang Prime Minister ng Japan from 2011 to 2012 na si Yoshihiko Noda.

Noong napag-alaman ng grupo na wala rin silang mapapala mula rito, niyaya na lang nila si Iwa sa sunod na pagbisita sa Japan. 

Hindi, ito na lang, pupunta kami doon, aasikasuhin namin, kahit single entry lang muna, makakasama ka ba?,” tanong ni Cong kay Iwa.

Kasama na ako!” buong galak na sambit ni Iwa. 

Team Payaman United Nations,” biro pa ni Steve.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

18 hours ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

1 day ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

1 day ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

2 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

2 days ago

This website uses cookies.