Viy Cortez-Velasquez Rings in 7 Million Subscribers with a Fun Boodle Fight Celebration

Bilang pagdiriwang ng kanyang 7 million subscribers milestone, isang simple ngunit makabuluhang selebrasyon ang inihanda ni Viy Cortez-Velasquez.

So mga Viviys, ang gagawin natin ngayon ay tayo ay mag-celebrate ng ating 7,000,000 subscribers, parang ginagawa ko sa Payaman 2! So yun nga, ang gagawin namin ngayon ay mamamalengke, magluluto, lahat gagawin natin parang ginagawa ko ng Payaman 2. 1, let’s go!” bungad ni Viviys.

7 Million Milestone

Sa kanyang reel upload, ibinahagi ni Viy ang mga paghahandang kanilang isinagawa upang maging masaya ang kanilang munting selebrasyon. Sinimulan niyang gisingin ang mga kasamahan sa bahay upang isama sa pamamalengke.

Bilang pagkilala sa mga taong tumulong sa kanyang tagumpay, Ipinakilala rin ni Viy ang mga tao sa likod ng kanyang mga contents. 

Si Onel Miranda ang nagsisilbing direktor ng kanyang mga vlogs, habang si Carlo Santos naman ay isa ng project-based editor at direktor ni Viviys.

Ang dating Viyline girl na si Karen Villes, a.k.a Khakha, ang nagsisilbing executive assistant ni Viy, habang si Via Bagabaldo naman ang namamahala sa pag-eedit ng kanyang mga branded contents, at sina Lorenzo Bataclan at Cyrill Factor naman ang nakatutok sa editing ng kanyang main vlogs.

Ibinahagi rin ni Viy na malaki ang pagbabago ng paggawa ng kanyang vlog mula noon. Kwento n’ya, mas simple ang pamamaraan n’ya ng paggawa ng content sa Payamansion 1. Ngayon, laking pasasalamat ni Viy na umunlad na maging ang paggawa n’ya ng mga vlogs.

The Celebration

Nagpunta si Viy at ang kanyang team sa palengke upang mamili ng mga lulutuin para sa kanilang breakfast celebration sa bahay. 

Pinasadya niya ang kanyang buong team para sa isang masayang “boodle fight.” Ipinakita rin niya ang pagpili ng tilapia, paghahanda ng mga pagkain at ng kanilang kakainan.

Sa pagtatapos ng vlog, ipinahatid ni Viy ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga patuloy na sumusuporta hindi lamang sa kanya, kundi pati na rin sa buong Team Payaman.

Watch the full video below: 

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman Wild Cats Share Life Revelations in Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog

​ Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…

2 days ago

Make Every Summer Trip Extra Flavorful with King Sisig in a Jar

Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…

3 days ago

Cong TV Takes On Extreme Fishing Challenge For Wife’s Tuna Cravings

Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…

3 days ago

Team PYMN Clothing Drops Two New RawBlock Collection Designs

Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…

5 days ago

CARambola EP 2: Netizens Poke Fun Of Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog Collaboration

Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…

5 days ago

Rally with Team Payaman’s Pat and Keng at the Playhouse Pickle Tournament 2026

Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…

6 days ago

This website uses cookies.