Yiv Cortez and Genggeng Join Viy Cortez-Velasquez in a Fun New Food Adventure Episode

Isa na namang nakakatakam at puno ng kwentuhang food trip ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Food Adventure’ episode.

Dahil hindi kasama ni Viy ang anak na si Kidlat, inimbitahan n’ya ang nakababatang kapatid na si Yiv Cortez at kaibigan niyang si Kevin Cancamo, a.k.a Genggeng.

Gen Zs vs Millennials

Sa pinakabagong episode ng ‘Food Episode’ serye ni Viy Cortez-Velasquez, kasama n’ya sina Yiv at Genggeng para sa isang masayang food trip at kwentuhan. 

Dahil mas bata ang mga kasama ni Viviys sa kanyang pagbisita sa Chilis, naisipan n’yang pag-usapan ang pagkakaiba ng mga Gen-Zs at mga millennials.

Una na sa kanilang mga binalikan ay ang kasiyahang dulot ng pagpapadala ng ‘GM’ o ‘group message’ gamit ang mga makalumang telepono gaya ng keypad.

“Naabutan n’yo ba ‘yun? Basta pag GM, alam mong hindi lang ikaw ‘yung nakakareceive nung text na ‘yon,” paliwanag ni Viviys.

“Kunyari may crush ka, ang gagawin mo, ‘yung GM, ang gagawin mo, s’ya lang talaga ime-message mo,” pabirong dagdag ni Viviys.

Kanila ring napag-usapan ang ilan sa mga terminolohiyang sikat noong hindi pa nauuso ang social media gaya ng ‘eyeball,’ ‘japorms,’ at ‘jologs’ —s’yang ikinatuwa nina Yiv at Geng.

“Ang jejemon!” biro ni Yiv sa kanyang ate.

Viviys x Chilis

Matapos ang kanilang nakakatuwang kwentuhan, agad na tinikman ng tatlo ang mga ipinagmamalaking putahe ng nasabing restaurant.

Una nang ibinida ni Viviys kina Yiv at Geng ang kanyang paboritong dessert —ang Chili’s Molten Chocolate Cake.

Hindi rin nila pinalampas na matikman ang ilan pang mga best-selling dishes ng Chili’s gaya ng mozzarella sticks, salad, beef salpicao, at marami pang iba.

“Ang sarap n’ung sauce [ng mozzarella sticks], I love it!” komento ni Yiv sa nakain.

Netizens’ Reactions

Samantala, marami ang naka-relate sa kwentuhan ng tatlo, kung kaya’t nagpadala sila ng pagbati sa recent ‘Food Adventure’ episode ni Viviys.

Lory Ann: “HAHAHAHAHA gets na gets ko yang ‘clan’ era!”

Michaela Arambulo II: “More foodvlog with Geng and Yiv! Tapos si May kanin don? Kidlat ngani!”

Jobie Labindao Locañas: “Yung tawa ni Yiv mukang mag eevolve din sa mga susunod taon. HAHAHA!”

DV Dave Veronica: “Relate ako kay Viy, knows ko lahat. Kaya di katanggap tanggap na 1997 genz agad.”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

12 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

12 hours ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

24 hours ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

3 days ago

Dress Selections That Shouldn’t Leave Your Closet According to Viy Cortez-Velasquez

Aside from her fierce makeup looks, Viy Cortez-Velasquez’s followers adore how she elevates her looks…

3 days ago

This website uses cookies.