Two Food Icons, One Dish: Erwan Heussaff and Ninong Ry Modernize Sinigang

Sa isang bagong episode ng ‘Back of the House’ serye ni Ryan Morales Reyes, a.k.a. Ninong Ry, isang masayang cooking session at kwentuhan ang naganap kasama ang special guest na si Erwan Heussaff.

Modern Sinigang 

Una nilang inihanda ang rich beef stock gamit ang Bulzico beef, roasted bones, at gulay. Habang hinahalo ang sabaw, ibinahagi ni Erwan ang kanyang modern take sa classic Filipino sinigang.

May kakaibang twist na ibinahagi si Erwan pagdating sa pagluluto ng sinigang. Sa halip na pakuluan ang baka, kaniya niya itong niluto na parang steak. Samantala, kanila namang ibinabad ang mga gulay sa sabaw ng sinigang. 

Habang nag-iinit ng kawali, maingat na prinito ni Erwan ang baka hanggang makuha ang tamang hitsura nito. 

Sa kabilang banda naman, inasikaso ni Ninong Ry ang pagbuo ng sabaw gamit ang sampalok at gabi, upang maging mas makapal at malasa ito.

Matapos ang kanilang pagluluto, sinimulan na nina Ninong Ry at Erwan ang presentation ng kanilang modern sinigang.

Maingat na inihanay ang hiwa-hiwang karne at mga gulay. Sunod nilang ibinuhos ang inihandang sinigang broth upang makuha ang tamang presentation. 

Nilagyan pa nila ang kanilang sinigang ng kaunting shallots, kangkong salsa, at thin-sliced chili para sa dagdag na aroma at anghang.

Culinary Conversations

Habang nagluluto, nagkaroon din sila ng maikling interview at kwentuhan tungkol sa iba’t ibang food experiences, cooking habits, at kung paano nagbabago ang lasa ng isang putahe. 

Nagkwento si Erwan tungkol sa mga pagkaing nagbibigay sa kanya ng ‘nostalgia’, habang si Ninong Ry naman ay nagbahagi ng mga personal na katanungang madalas tinatanong sa kanya ng mga manonood.

Sumalang din ang dalawa sa isang diskusyon patungkol sa mga pagkaing Pilipino, kung paano ito nagbabago, at kung bakit nga ba paborito ng mga Pinoy ang sinigang.

Pagdating sa tikiman, agad na natuwa sina Erwan at Ninong Ry sa resulta. Nakuha nila ang classic sinigang flavor na may bagong twist dahil sa steak-style cooking.

Patunay ang collab na ito na kahit ano pa man ang paraan ng pagluluto ng sinigang, mananatili pa rin ang kultura ng mga Pinoy dahil sa lasang taglay nito.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
12
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *