Ivy Cortez-Ragos Strengthens Her Creator Profile, Opening Doors for Brand Partnerships

Hindi lingid sa kaalaman ng fans ng Team Payaman member na si Viy Cortez-Velasquez na ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Ivy Cortez-Ragos, a.k.a. Ate Ivy, ay sumabak na rin sa mundo ng content creation.

Maliban sa pagpapatakbo ng co-owned clothing brand nilang magkapatid na Ivy’s Feminity, naging kapansin-pansin ngayong ber months ang pagbida niya sa samu’t saring brands sa iba’t ibang larangan — mapa-food, aesthetic clinic, retail, o fashion.

Ate Ivy x SM Supermarkets

Unang ibinida ni Ate Ivy ang pagbisita ng kanilang pamilya sa SM Supermarkets noong Setyembre, hindi lang para sa grocery bonding, kung hindi pati na rin upang ipagdiwang ang 40th year anniversary nito. 

Sinulit ng kanilang pamilya ang sari-saring bundle deals at discounts, pati na rin ang pagbabalik ng special merienda na Chocnut Turon

Ate Ivy x Dr. Kong PH

Ngayong Nobyembre naman, ipinasilip ni Ate Ivy ang pamimili ng mga sapatos mula sa Dr. Kong Philippines. 

Aniya, ito ay perfect pang regalo sa pamilya ngayong paparating na Pasko dahil sa hatid nitong mga sapatos na pwedeng pambata, teens, at adult men and women.

Meron ding foot specialist na gumagawa ng in-store foot assessment upang matukoy ang pinaka komportableng sapatos para sa kanilang mga customer.  

Ate Ivy x Terraglow

Hindi rin naman nagpahuli sa ‘me time’ si Ate Ivy, kung saan ibinida niya ang kanyang pamper day experience kasama ang Terraglow Aesthetic and Wellness Center.

Sinulit ni Ate Ivy ang hatid nilang mga affordable services nito gaya ng eyelash services at hair extensions, pati na rin ang libreng buldak para sa mga customers. 

Ate Ivy x Southout Chicken

Hindi rin pinalampas ni Ate Ivy ang mukbang o food vlogging noong umorder sila sa South Out Chicken San Pedro Branch.

Mapapanood sa video kung paano pinagsaluhan ng kanyang team ang iba’t ibang pangmalakasang flavors ng boneless fried chicken at fries ng South Out Chicken.

Ate Ivy x Kwatogs

Isa rin sa gumutom sa mga netizens ay nang bumisita si Ate Ivy sa grand opening ng Kwatogs Las Piñas Branch. 

Ibinida ni Ate Ivy ang mga best-selling menu nito tulad ng authentic Batangas Lomi with overloaded toppings na shanghai, chicharon, kikiam, meatballs, at itlog. 

Tinikman din nila ang Chami Tamis Anghang at samu’t saring silog meals, na aniya ay sulit na sulit para sa buong barkada, o pamilya. 

Para makakita pa ng ibang content mula kay Ate Ivy, i-follow lang ang kaniyang official Facebook account.

Para naman sa mga interesadong brands na kumuka kay Ate Ivy, maaaring i-contact ang email na ito: cortezragosivy@gmail.com 

Alex Buendia

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

4 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

7 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 weeks ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 weeks ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.