Zeinab Harake-Parks Treats Bea Borres with Newborn Essentials

Sa ikalawang bahagi ng kaniyang ‘Spoiling Buntis’ YouTube serye, inimbitahan ng vlogger na si Zeinab Harake-Parks ang Gen-Z content creator at soon-to-be-mommy na si Bea Borres.

Spoiling Buntis

Ang unang kabanata ng ‘Spoiling Buntis’ serye ni Zeinab ay para sa sarili niyang kapatid na si Rana Harake noong ipinagbubuntis pa lang niya ang bunsong anak na si Thirdy

Ngayon naman ay naisipan ni Zeinab gawin ang pamimili ng newborn essentials para sa six months pregnant mommy na si Bea, bilang paghahanda bago siya tuluyang manganak sa Enero ng susunod na taon. 

Noong makarating sila sa mall, ginulat ni Bea si Zeinab noong maglabas ito ng listahan na tila naglalaman ng kaniyang ‘wish list’ tampok ang samu’t saring mommy-and-baby essentials.

Ilan sa mga nasa listahan na tagumpay nilang nahanap ay mga gamit pambata kagaya ng baby crib, crib foam, musical crib soother, breastfeeding chair, nursing pillow, at stroller. 

Ilan naman sa mga newborn essentials ay diaper, baby bag, baby bathtub, changing pad, baby bottles, pacifier, bottle sterilizer and washer, at humidifier.

Hindi rin pinalagpas ni Zeinab na mamili ng mga baby clothes, dress, pajama, at socks para kay Baby Pea; at nipple cream, bra padding, at binder naman para kay Mommy Bea.

Ilan din sa naging rekomendasyon ni Rana ay diaper trash bins at black and white visual stimulation toys for babies. 

Laking tuwa naman ng Harake sisters habang namimili nang humiling si Bea na ang mga kagamitang kanilang bibilhin ay panay neutral or pink colored lamang.

Guess the Bill

PHP187,000 ang total “price to beat” ni Bea —halaga ng nagastos ni Zeinab sa kauna-unahang episode ng ‘Spoiling Buntis’ serye niya kasama si Rana. 

Pagsapit ng bayaran, minabuti ng tatlo na hulaan ang total bill ng kanilang mga napamili. Hula ni Zeinab ay PHP220,000; si Rana naman ay PHP215, 000, at kay Bea naman ay PHP 230,000. 

Laking gulat ng tatlo nang umabot sa PHP301,592 ang kanilang total bill.

Okay lang naman bawasan ate,” sambit ni Bea.

Hindi. Happy ako kasi nalagpasan mo si Rana,” ani Zeinab. 

Sana may gumawa sa’kin nito,” hiling ni Zeinab at agad namang nangako ang dalawa na gagawin din nila ito kapag dumating ang panahon na siya naman ang nabuntis.

Watch full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

8 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

8 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.