Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, sa pinakabagong episode ng kanilang Food Adventure serye.

Alamin ang mga bagong paborito ng mag-ina matapos ang kanilang pagbisita sa isang kilalang Japanese restaurant.

Japanese Cuisine Mukbang

Sa pinakabagong episode ng ‘Food Adventure with Kidlat’ serye ni Viy, ipinasilip n’ya ang mga tagpo matapos nilang bumisita sa isang sikat na Japanese restaurant.

Hindi maitago ang pagkagalak, lalo na ni Kidlat, sa mga pagkaing ihahain sa kanila. Kwento ni Mommy Viy, isa ang pagbisita sa mga Japanese restaurants sa nakakapag-paalala sa kanya ng kanilang Japan memories.

Ilan sa mga pagkaing nasubukan ng mag-ina ay ang sushi, cheese balls, wagyu, chicken teriyaki, mango shake, at marami pang iba.

Maging si Kidlat ay nag-enjoy sa kanyang mga nakain dahilan upang lumabas ang kanyang kulit.

Hindi na napigilan ni Kidlat ang kanyang pagkatuwa kung kaya’t laking tawa ng kanyang ina nang banggitin ang mga katagang ‘ngani’ at ‘OA.’

Tinapos ng dalawa ang kanilang mini vlog ng masaya at busog baon ang kanilang unmatched food trip memories.

Netizens’ Reactions

Samantala, marami ang natuwa sa taglay na kabibuhan ni Kidlat sa kanilang food trip bonding.

Dianarra Francisco-Dela Peña: “Mini Cong with Viy’s personality”

Gretchen Bandoles Beboso: “Nag match ang DNA ni Viy at Cong hahahaha Juskoo! Kidlaaaaat!”

Hillary Anne Atondo: “Deserve ang madaming toys, sobrang OA na ni Kidlat!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.