Angelica Yap Opens Up About Being a Rap Superstar’s Girlfriend with Michelle Dy

Sa bagong episode ng Makeup Sessions Season 2, tampok sa vlog ni Michelle Dy ang kapwa content creator at dating ‘Pastillas Girl’ na si Angelica Yap.

Sa naturang vlog, ibinahagi ng dalawa ang masayang kwentuhan habang sabay na nagme-makeup, kung saan nagbahagi si Angelica ng mga personal na karanasan tungkol sa kanyang buhay, career, at relasyon sa rapper na si Flow G.

Makeup Session with Angelica Yap

Sa simula ng vlog, ipinakilala ng beauty content creator na si Michelle Dy ang kanyang special guest na si Angelica Jane Yap

Bago simulan ang kanilang makeup session, nagkwentuhan muna ang dalawa tungkol sa kanilang unang pagkakakilala. Ayon kay Angelica, una silang nagkita sa kasal ng couple vloggers na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez.

Kwento pa ni Angelica, matagal na niyang sinusubaybayan si Michelle mula pa sa kanyang ‘Vigan days’ noong 2015 o 2016, bago pa man sumikat sa social media.

Binalikan din ni Angelica ang simula ng kanyang kasikatan bilang ‘Pastillas Girl’ matapos mag-viral ang kanyang video na “Paano gumawa ng Pastillas na bitter version?” sa Facebook. Ikinuwento niya na ginawa niya ito noong siya’y nasaktan sa pag-ibig at naging daan ito para mapansin siya ng It’s Showtime.

Ayon kay Angelica, bagama’t matagal na ang pangyayaring iyon, bahagi pa rin ito ng kanyang personal at propesyonal na pag-unlad bilang content creator.

“Feeling ko, hindi naman na siya mawawala kasi kasama siya sa growth ko as an influencer and as a YouTuber. Pero, siyempre, mas ma-a-appreciate ko na ‘yung mga tao, mas makilala nila ako kung sino ako. Kasi si Pastillas girl, para lang siyang character. Kumbaga, parang hindi naman siya ‘yung forever na ganon ka,” ani Angelica sa vlog.

Nang mapag-usapan naman ang kanyang relasyon kay Archie dela Cruz, a.k.a. Flow G, inamin ni Angelica na hindi madali ang maging partner ng isang rapper.  

Isa sa mga hamon umano ay ang kakulangan ng oras dahil sa pagiging abala ng nobyo sa kanyang music career. Gayunpaman, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging understanding at pagkakaroon ng compromise sa isang relasyon.

Ipinagmamalaki rin ni Angelica ang mga awitin ni Flow G na aniya’y nakabatay sa tunay na karanasan at nagbibigay ng positibong mensahe sa mga tagapakinig. 

Dagdag pa niya, bagama’t nakikita ng publiko ang magagandang aspeto ng kanilang relasyon, may mga hamon din silang hinaharap bilang magkasintahan sa mundo ng musika at social media.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming tagasuporta ang natuwa sa muling paglabas ni Angelica sa vlog at sa pagkakataong makita siya muli kasama ang isa sa mga kilalang beauty content creator.

@AlyannaBalobal: “Angelica Yap, namiss ka na namin!!! Mabuti naman nagpakita ka ulit!”

@ayabill-d6x: “Unexpected na magpakita si Angel sa ibang vlogs ngayon. Jusme.”

@TheLifeofSiri: “Grabe naman ang makeup ng isang Pastillas Girl na ‘yan. Parang natural, eh. At ang skin naman talaga ng isang Michelle Dy, ha. Very Filipina. Love you both!”

@StephanieCorpuz-v2e: “Love this vlog! Finally, angelicajaneyap appeared on my screen again with one of the OG vloggers.”

@isaiditsmetintin: “Sobrang ganda talaga ni Angelica Yap. Effortless ang ganda niya kahit walang make up maganda. Blessed nga s’yang tunay.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.