Isa na namang nakakagutom na adventure ang ibinahagi ni Jai Asuncion sa kanyang bagong YouTube vlog sa Taipei, Taiwan.
Matapos ang unang pagbisita noong 2023, nagbalik si Jai upang tikman ang mga kilalang pagkain at alamin kung alin ang sulit subukan para sa mga planong bumisita sa nasabing bansa.
Sa unang bahagi ng vlog, ipinasilip ng content creator na si Jai Asuncion sa kanyang mga manonood ang kanyang paglibot at pagtikim ng iba’t ibang street food sa kilalang Ximending Night Market sa Taipei, Taiwan.
Unang sinubukan ni Jai ang Crispy Milk Donut na nagkakahalaga ng 150 NTD para sa apat na piraso. Bagama’t sold out ang ilang flavor, nagustuhan niya ang donut dahil sa tostadong labas at malambot na loob nito.
Sunod naman niyang tinikman ang Flame Grilled Beef na gawa sa Angus Cattle at may presyong 300 NTD. Bagama’t medyo mahal, nagustuhan ni Jai ang lasa at lambot ng karne lalo na kapag sinabayan ng sibuyas.
Kasama ang mga kaibigan niyang sina Joems, Micah, at Joshua, ibinahagi rin nila ang kani-kanilang opinyon tungkol sa lasa ng pagkain.
Kasunod nito, tinikman din ni Jai ang sugarcane juice, pork sausage, grilled chicken steak, at cheese corn. Ayon sa kanya, malambot at masarap ang chicken steak, habang inilarawan naman niya ang cheese corn bilang bagay na siguradong magugustuhan ng mga mahilig sa keso.
Kabilang pa sa kanyang natikman ang Taiwanese burger, peanut roll ice cream, wheel cake na may red bean filling, Wei’s stinky tofu, at traditional bubble milk tea cake. Sa lahat ng ito, binigyang-diin ni Jai na ang peanut roll ice cream ang kanyang pinakanagustuhan sa buong food crawl at binigyan ito ng rating na 10 out of 10.
Samantala, marami namang mga tagapanood ang natuwa sa bagong vlog ni Jai at nagpahayag ng kanilang excitement sa kanyang muling pag-upload.
@salvecorrea: “Yay! Another quality vlog from Jaiyie! Keep ’em coming.”
@DevraPingos: “Yay! Another vlog na naman. Ingat ka palagi, ate Jai. Love lots!”
@micaelamarcial25: “Yehey, may vlog na ulit siya!”
Watch the full vlog below:
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.