Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang.
Kung ang hanap mo’y black-colored food recipes na pasok sa inyong mga panlasa, hatid na ‘yan ni Dudut sa kanyang recently-uploaded YouTube vlog.
Una na sa kanyang mga naging rekomendasyon ay ang kilalang Spanish delicacy na Paella Negra.
Kumpara sa regular na Paella, ang pagkaing ito ay hinaluan ng squid ink upang makamit ang kulay itim nitong kulay.
Isa sa mga nagpasarap sa Paella Negra ni Dudut ay ang sliced seafood at chorizo bilbao, na ayon sa kanya ay hindi dapat nawawala sa kahit anumang Spanish food recipe.
Sunod naman sa listahan ni Dudut ay ang Black Sesame Crusted Tuna, na kanyang ibinabad sa toyo para sa mas malinamnam na lasa.
Ilan sa mga pangunahing sangkap ng nasabing recipe ay black sesame seeds, tuna, at pipino para sa side dish nitong Asian cucumber salad.
Isa namang Filipino dish ang proud na niluto ni Dudut para sa kanyang pangatlong recipe —ang Tiyula Itum.
Ayon kay Dudut, ang pagkaing ito ay nagmula pa sa kultura ng mga taga-Mindanao.
“‘Yung influence nila, bukod sa Filipino cuisine is, mayroon silang influence ng mga Malay (Malaysia), at Indonesian kasi malapit na sila doon!” ani Dudut.
Isa sa mga pangunahing sangkap ng nasabing recipe ay ang tanglad, at inihaw na balat ng niyog o burnt coconut na kanyang inihalo sa karne upang mas maging malasa ito.
Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa sa kakaibang content na hatid ni Dudut sa kanyang bagong vlog.
@rhenrsm.26: “Kuya Dudut, soup recipe naman po next kase uso sakit. Basta sabaw HAHAHA!”
@francheskamanguerra7691: “More cooking vlogs!”
@marcelobelonio939: “Bukod kay Ninong Ry, boss Dudut’s kitchen sunod!!!! The best mga luto niyo nakaka inspired sa mga katulad kong mahilig mag-luto!”
Kayo mga kapitbahay, alin sa mga niluto ni Dudut ang gusto n’yong subukan? I-comment na ‘yan!
Watch the full vlog below:
Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
This website uses cookies.