
Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman mother-and-son duo na sina Mommy Viy Cortez-Velasquez at Kuya Zeus Emmanuel Velasquez a.k.a Kidlat, sa kanilang newest fun food trip bonding!
Inulan ng positibong komento ang first viral food adventure ng mag-ina noong nakaraang buwan sa isang kilalang restaurant. Kitang-kita rito ang husay niya sa komunikasyon habang siya ay lumalaki—isang bagay na lubos na ikinatuwa ng mga manonood.
Kidlat: The Veggie-Lover
Para sa panibagong episode ng ‘Food Adventure with Kidlat,’ masustansyang pagkain naman ang kanilang sinubukan!
Dumayo ang mag-ina sa Heaven on Earth Vegetarian Center, isang lugar na kilala sa kanilang kakaiba at organic nilang mga putahe.
Bagamat kahawig ng fast food ang kanilang mga pagkain, ang lahat ng kanilang sinubukan ay gawa sa plant-based na sangkap. Kaya naman, tiyak na masustansya at guilt-free ang kanilang food trip bonding.
Talaga namang walang inurungan ang mag-ina sa kanilang mga naorder. Pinatunayan ni Kidlat na hindi lang siya basta kumakain, kung hindi isa siyang veggie-lover!
“Hindi ako nag-aalala kay Kidlat pagdating sa mga gulay dahil kumakain talaga siya,” pahayag ni Mommy Viy.

Bukod pa rito, nakakaaliw ang mga reaksyon ni Kidlat habang kumakain, na nagbigay-buhay sa buong mini vlog. Pinatunayan nila na ang ganitong klase ng bonding ang talagang nagpapasulit sa oras nilang magkasama.
Good job, Kuya Kidlat!
Bago matapos ang kanilang food adventure, nagkaroon ng Q&A session na pinangunahan ni Mommy Viy. Muling napatunayan ni Kidlat na siya ay responsive, thoughtful, at may natural na sense of humor.
Dahil sa kanilang adorable moments at sa epektibong pagpapalaki nina Mommy Viy at Daddy Cong, muling inulan ng mga papuri at nakakatuwang reaksyon ang video:
“Ang very good talaga ni Kidlat! You are doing a great job Mommy Viy Cortez-Velasquez! Keep it up.”
“More vlog pa with Kidlat!”
“Good sa veggies si Kidlat!”
“More food adventure pa po kay Kidlat… Bitin Viviys! God bless you Kidlat!”
