Team Velasquez-Gaspar Celebrates Keng’s Birthday and Ulap’s Christening

Isang makabuluhang araw ang September 9 para sa pamilya Velasquez-Gaspar matapos sabay na ipagdiwang ang kaarawan ni Boss Keng at binyag ni Baby Ulap. 

Matutunghayan na ang buong tagpo sa bagong YouTube upload ng Team Payaman member na si Mommy Pat Velasquez-Gaspar. 

Ulap’s Christening

Kasabay ng selebrasyon ng ika-anim na buwan ng bunsong si Ulap Patriel, minabuti ng mag-asawang Pat at Keng na opisyal na rin itong mabasbasan ng sakramento ng binyag. 

Ginanap ang binyag sa L’Annunziata Parish Church na dinaluhan ng kanilang pamilya, at malalapit na mga kaibigan.

Hindi naman nagpahuli ang ilang mga dumalo na magbigay ng mensahe para sa bagong binyag.

“Ulap, welcome to the Christian world. Lagi kang makikinig kina Mommy at Daddy, kapag hindi sila pumayag, magtanong ka kay Tito Junnie and Tita Vien,” mensahe ni Tita Vien Iligan-Velasquez. 

Isang matalinong acronym naman ang iniwan ng kanyang Tito Chino Liu mula sa pangalan ni Ulap: “Ang wish ko for Ulap, sana lumaki kang Understanding, Loving, Adorable, and Pogi.” 

Daddy Keng’s Birthday

Matapos ang binyag ni Ulap ay nagtungo na ang mga bisita sa reception venue kung saan ipinagdiwang naman ang ika-33 na kaarawan ng ama niyang si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng.  

Kwento ng mag-asawa, ang inisyal nilang plano ay isang taimtim na salu-salo lamang ngunit dahil sa dami ng kanilang mga kaibigan, minabuti nilang magsagawa ng isang malaking selebrasyon.

Lubos naman ang pasasalamat ng mag-asawa sa lahat ng tumulong upang matupad ang kanilang pinlanong double celebration. 

Hindi rin nagpahuli ang dalawa na batiin ang lahat ng mga dumalo na mga kamag-anak at mula sa mga grupo na kanilang kinabibilangan gaya ng Team Payaman, Kombathrone, at Y Kulba.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagpunta sa binyag po ng aking anak na si Ulap, sa aking pamilya, sa mga ninong and ninang. Sana nag-enjoy po kayong lahat,“ mensahe ni Boss Keng.

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

18 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.