Team Velasquez-Gaspar Celebrates Keng’s Birthday and Ulap’s Christening

Isang makabuluhang araw ang September 9 para sa pamilya Velasquez-Gaspar matapos sabay na ipagdiwang ang kaarawan ni Boss Keng at binyag ni Baby Ulap. 

Matutunghayan na ang buong tagpo sa bagong YouTube upload ng Team Payaman member na si Mommy Pat Velasquez-Gaspar

Ulap’s Christening

Kasabay ng selebrasyon ng ika-anim na buwan ng bunsong si Ulap Patriel, minabuti ng mag-asawang Pat at Keng na opisyal na rin itong mabasbasan ng sakramento ng binyag. 

Ginanap ang binyag sa L’Annunziata Parish Church na dinaluhan ng kanilang pamilya, at malalapit na mga kaibigan.

Hindi naman nagpahuli ang ilang mga dumalo na magbigay ng mensahe para sa bagong binyag.

Ulap, welcome to the Christian world. Lagi kang makikinig kina Mommy at Daddy, kapag hindi sila pumayag, magtanong ka kay Tito Junnie and Tita Vien,” mensahe ni Tita Vien Iligan-Velasquez. 

Isang matalinong acronym naman ang iniwan ng kanyang Tito Chino Liu mula sa pangalan ni Ulap: “Ang wish ko for Ulap, sana lumaki kang Understanding, Loving, Adorable, and Pogi.” 

Daddy Keng’s Birthday

Matapos ang binyag ni Ulap ay nagtungo na ang mga bisita sa reception venue kung saan ipinagdiwang naman ang ika-33 na kaarawan ng ama niyang si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng.  

Kwento ng mag-asawa, ang inisyal nilang plano ay isang taimtim na salu-salo lamang ngunit dahil sa dami ng kanilang mga kaibigan, minabuti nilang magsagawa ng isang malaking selebrasyon.

Lubos naman ang pasasalamat ng mag-asawa sa lahat ng tumulong upang matupad ang kanilang pinlanong double celebration. 

Hindi rin nagpahuli ang dalawa na batiin ang lahat ng mga dumalo na mga kamag-anak at mula sa mga grupo na kanilang kinabibilangan gaya ng Team Payaman, Kombathrone, at Y Kulba.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagpunta sa binyag po ng aking anak na si Ulap, sa aking pamilya, sa mga ninong and ninang. Sana nag-enjoy po kayong lahat,“ mensahe ni Boss Keng.

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

6 days ago

This website uses cookies.