Emosyonal ngunit puno ng inspirasyon ang bagong vlog ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, kasama ang asawa n’yang si Pat Velasquez-Gaspar, matapos nilang ipasilip sa publiko ang kanilang first-ever investment na bunga ng ilang taon nilang pagsisikap at pag-iipon.
Sa bagong vlog ng Team Payaman member na si Boss Keng, masasaksihan ang kanilang pamamaalam sa Congpound.
“Salamat sa masasayang alaala,” ani Boss Keng habang nililingon ang kanilang lumang tahanan.
Magkahalong saya at lungkot ang emosyon ng mag-asawang Boss Keng at Pat nang ianunsyo ng dalawa ang bagong tahanang kanilang ipinapagawa.
Kasunod nito, ipinakita ng mag-partner ang bago nilang tahanan na gawa ng Royal Bee Construction.
Proud na proud nilang sinabi, “Atin na ‘to!” habang ipinapasilip ang bawat sulok ng kanilang bagong bahay — mula sa master’s bedroom, balcony, kitchen, hanggang sa “secret CR” na talaga namang ikinatuwa ng mga manonood.
Habang namimili ng mga gamit at nag-aayos ng interior, kapansin-pansin ang excitement nina Keng at Pat.
Ngunit sa huling bahagi ng video, doon na bumuhos ang emosyon dahil ang bahay na akala ng lahat ay para sa kanila, ay regalo pala ni Boss Keng para sa kanyang mga magulang.
Makikita ang nakakaantig na reaksyon ng kanyang ina na si Mama Majo at ng buong pamilya nang ibigay sa kanila ni Keng ang susi ng bahay.
“Matagal na kaming nangungupahan, ngayon may sarili na kaming bahay,” emosyonal na pahayag ni Mama Majo.
Ibinahagi ni Boss Keng na matagal na niyang pangarap na mapagawan ng bahay ang kanyang ina.
“Sabi ko noon, ‘Wag ka mag-alala, Ma. Pagkagawan ko kayo ng bahay.’ At eto na ‘yun,” sabi ni Keng.
Dagdag naman ni Pat, “Deserve nila Mama lahat ng ito. Sila ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon.”
Ang simpleng pangarap ay naging katuparan hindi lang para kay Boss Keng at Pat, kundi para sa buong pamilya na matagal nang nangarap ng sariling tahanan.
Watch the full vlog below:
Mainit na tinanggap ng actress-host na si Toni Gonzaga-Soriano ang Team Payaman health professional na…
The holiday season is fast approaching, and there’s no better way to kick off the…
Muling naghatid ng travel at food content ang Team Payaman vlogger na si Clouie Dims…
SM has been a big part of Filipinos’ everyday lives, from family weekend bondings to…
Isa ka ba sa mga mahilig sa oatmeal, yogurt, granola bars, at ilan pang masustansyang…
You didn’t see this coming, but for the love of the game, Team Payaman has…
This website uses cookies.