Team Payaman’s Chino Liu’s ‘Kags, Help!’ Podcast Tops Spotify Charts

Matapos makailang beses mapasama sa listahan ng mga nangungunang podcast sa bansa, nakamit ng ‘Kags, Help! with Chino Liu’ ang unang puwesto sa Spotify Philippines para sa linggo ng September 19-25.

Spotify Milestone

Ang programang pinangungunahan ng content creator at public servant na si Chino Liu, a.k.a. Tita Krissy Achino, ay muling umani ng atensyon matapos lumabas ang episode kasama ang kilalang content creator at online personality na si Toni Fowler, a.k.a. Mommy Oni. 

Ang nasabing episode ang nagdala sa podcast sa tuktok ng Spotify charts, patunay ng patuloy na pagtangkilik ng mga tagapakinig. 

Ayon sa Spotify Philippines, ang ‘Kags, Help!’ ang nanguna sa listahan ng mga pinakapinapakinggang podcast sa bansa. 

Kabilang sa iba pang nasa listahan ang Barangay Love Stories, Project Loving Myself, The KoolPals, at Papa Dudut Stories, na pawang mga kilalang programa sa lokal na podcast scene.

Sa isang Instagram post, nagpasalamat si Chino sa suporta ng kanyang mga tagapakinig, na tinatawag niyang ‘CHINstituents.’ Binigyang-diin niya ang papel ng kanilang audience sa pagkamit ng tagumpay at sinabing patuloy silang maghahandog ng mga episode na may halong katatawanan at aral.

‘Kags, Help! with Chino Liu’

Matatandaang noong July 23, 2025 inilunsad ni Chino ang ‘Kags, Help!’ bilang isang plataporma kung saan mapag-uusapan ang mga napapanahong isyu, personal na karanasan, at mga usaping nagbibigay-inspirasyon sa publiko. 

Sa bawat episode, layunin ng programa na makipag-ugnayan nang mas malapit sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang talakayan.

Mapapakinggan ang podcast serye ni Chino sa mga media streaming platforms gaya ng Spotify at YouTube.

Likes:
0 0
Views:
12
Article Categories:
TESTIMONIALS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *