Team Payaman’s Aaron Macacua Joins Pencilbox Comedy ‘Sun2kan sa Skydome’ This October

Patuloy na ipinapakita ng Team Payaman vlogger na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang kanyang talento sa iba pang larangan bukod sa content creation.

Matapos ang kanyang acting debut sa Pencilbox Comedy noong 2024, nakatakda siyang muling makiisa sa isang malaking comedy event ngayong taon.

‘Sun2kan sa Skydome’

Sa kanyang bagong Facebook post, ibinahagi ni Burong ang paanyaya para sa ‘Pencilbox Comedy: Sun2kan sa Skydome’ na gaganapin sa October 26, 2025, alas-sais ng gabi sa SM North Edsa Skydome.

“Sa mga gusto makipag-suntukan, kitakits tayo sa Oct. 26, 2025,” ani Burong sa kanyang post.

Ang ‘Sun2kan sa Skydome’ ay bahagi ng ikalawang anibersaryo ng Pencilbox Comedy, ang sikat na sketch group na kilala sa kanilang mga nakakatuwang online content.

Para sa isang gabi lamang, tampok ang buong cast ng Pencilbox sa entablado para sa mga bagong sketches, segments, at iba pang eksklusibong bahagi na hindi mapapanood online. 

Layunin ng pagtatanghal na maghatid ng live entertainment na puno ng katatawanan at interaksyon sa mga manonood.

Kasama sa mga bibida sa nasabing event ang mga kilalang content creator na sina Donna Cariaga, Charlize Ruth Reyes, a.k.a. Charuth, Richard Tan, Issa delos Santos, at JP Aguilera, pati na rin ang iba pang miyembro ng Pencilbox Comedy.

Sa pamamagitan ng palabas na ito, inaasahang maipapakita ng cast ang kakaibang kombinasyon ng enerhiya, komedya, at pagiging natural na matagal nang sinusubaybayan ng kanilang online audience.

Buy Your Tickets Now!

Para sa mga interesadong manood, maaaring makabili ng ticket sa smtickets.com o saanmang SM Ticket outlet nationwide.

Angelica Sarte

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.