Matapos ang matagumpay na pilot episode ng ‘Sugod Nanay Gang,’ muling nagbalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez para sa ikalawang episode na tinawag na ‘Barangay Edition.’
Sa bagong yugto ng serye, mas pinapalapit ni Viy at ng kanyang grupo ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga nanay sa barangay, tampok ang mga aktibidad na puno ng saya at kwentuhan.
Sa kanyang bagong vlog, makikita ang mainit na pagtanggap ng mga residente ng San Lorenzo Ruiz Santos Compound sa ‘Sugod Nanay Gang’ na pinangungunahan ni Viy Cortez-Velasquez kasama ang kanyang kapwa hosts na sina Pat Velasquez-Gaspar, a.k.a. ‘Nanay Lameg’ at Tita Krissy Achino, a.k.a. ‘Manang Kali.’
Bago pa man simulan ang kanilang misyon, nagkaroon muna sila ng katuwaang zumba kasama ang ilang nanay sa lugar, kabilang ang isang 70 taong gulang na patuloy pa ring aktibo sa pagsasayaw.
Mula sa sayawan, tumuloy sila sa kanilang pakay na hanapin si Nanay Sonia. Ayon sa mga residente, siya ay kilala bilang ‘Sonia Bigay’ na nagtatrabaho sa Parañaque City Hall. Agad namang nagtungo ang Sugod Nanay Gang sa bahay ng pamilya Bigay sa nasabing barangay.
Pagdating ng grupo sa bahay ni Nanay Sonia, hindi niya maitago ang kanyang emosyon sa tuwa sa unang beses na napuntahan siya ng ganitong programa. Sa kanilang pagbisita, ipinakilala niya ang kanyang pamilya, kabilang ang asawa niyang si Tatay Jonathan.
Kasama rin niyang ipinakilala ang ilan sa kanyang mga anak, kabilang si kuya John Paul, at binanggit na mayroon siyang labindalawang anak at halos labing-isang apo.
Pitong anak ang kasalukuyang nakatira sa bahay, habang ang iba ay may sariling pamilya ngunit nananatiling malapit sa kanilang tirahan.
Sa simpleng house tour, ipinakita ni Nanay Sonia ang mga kwarto kung saan nagsisiksikan ang iba’t ibang miyembro ng pamilya. Ayon kay Nanay Sonia, nagtatrabaho siya bilang janitress sa Parañaque City Hall, nagtitinda ng saging tuwing hapon, at pinangangasiwaan ang pangangailangan ng asawa at mga anak.
Sa kabila ng maliit na kinikita na P600 kada araw at dagdag na gastusin para sa maintenance ng kanyang asawa, nananatili siyang matatag para sa kanyang pamilya.
Bilang bahagi ng programa, nagdala ang Sugod Nanay Gang ng ilang produkto mula sa mga sponsors tulad ng SNAKE Brand, Pastel, NutriAsia, Moose Gear, Viyline Cosmetics, at Tough Mama, na labis na ikinatuwa ni Nanay Sonia. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat siya sa grupo at sa mga brand sa kanilang suporta.
“Masasabi ko lang po, maraming salamat po sa ngayong araw nito sa dumating sa aking bahay ngayong araw. Maraming salamat po sa inyo. Lalo na po sa mga nag-sponsor po nito. Sa mga brands,” ani Nanay Sonia.
Samantala, maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga sa inisyatiba ni Viy at ng Sugod Nanay Gang, at pinuri ang kanilang dedikasyon sa pagtulong sa kapwa at pagbabahagi ng positibong mensahe.
@lizbenavidez4013: “Sa mundong magulo, tayo tayo nalang talaga ang magtutulungan. Thank you so much, Viy. Ginagamit niyo ang platform para makatulong.”
@jayceegdelacruz274: “This is what you call EXCELLENT CONTENT. Super saya sa puso. Sobrang galing ng concept. Bravo, Viy!!!!!!!!”
@alexkhodr9597: “Kudos to you Viviy’s, Boss Madam Pat, Kagawad Chino Liu & all the sponsors who have contributed to this episode. Hoping & praying for more contents like this would not only help mothers & they’re families but would also be an eye-opener to everyone to help each other regardless of your status quo in life. Hopefully this content can also help restore some goodness in what is happening in our society. May your kindness & being down to earth affect positive change in people’s lives for a very long time! More paawer to you Viviy’s & the entire Team Payaman!”
Watch the full vlog below:
Sa pinakabagong vlog ni Aaron Macacua a.k.a. Burong, ibinahagi niya ang ilan sa mga kanyang…
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…
Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…
Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…
Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…
Naghatid ng ngiti sa mga tagapanood ang munting sandaling ibinahagi ng Team Payaman mom na…
This website uses cookies.