Viy Cortez-Velasquez Shares Heartwarming Bonding Moment With Daughter Tokyo Athena

Naghatid ng ngiti sa mga tagapanood ang munting sandaling ibinahagi ng Team Payaman mom na si Viy Cortez-Velasquez kasama ang kanyang bunsong anak na si Tokyo Athena.

Sa kanyang Facebook post, masisilayan ang simpleng lambing ng isang ina para sa anak na agad namang umantig sa puso ng netizens.

Mother-Daughter Bonding

Kamakailan, ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa isang Facebook post ang isang payak ngunit makabuluhang sandali kasama ang kanilang bunso na si Tokyo Athena bilang sulyap sa kanyang buhay pamilya.

Sa naturang video, makikita si Mommy Viy na nasa kanilang sala habang aliw na aliw sa pakikipaglaro kay Baby Tokyo, kung saan sinusubukan niyang aliwin ang anak sa pamamagitan ng paglalambing at tila pagtatangkang kilitiin ito.

Kalakip ng video ang caption na “Almost forgot this is the whole point,” na nagbigay-diin sa kahalagahan ng ganitong mga sandali.

Bagama’t maiksi ang video, malinaw na ipinapakita nito ang pagiging hands-on ni Mommy Viy bilang ina. Sa kabila ng kanyang abalang schedule bilang content creator at negosyante, nakikita ng publiko na binibigyan niya ng oras at atensyon ang kanyang mga anak.

Netizens’ Comments

Samantala, agad nakatanggap ng atensyon ang maikling video mula sa mga tagahanga na natuwa sa taos-pusong bonding moment ng mag-ina.

Jam ILah: “It was just a dream before.”

Sabby Maruhom: “The best feeling talaga ‘yung ganito na ka-bonding mo anak mo. Isang ngiti at kiss lang tanggal lahat ng pagod at sakit.”

Gerrica Labayne: “Swerte nila sa’yo, ma’am Viy Cortez-Velasquez!”

Marnie Magallanes: “Moments like these truly make life worth living, enjoy every moment!”

Aurora Carpena Mateo: “Precious moments are the best.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

11 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

22 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.