TSUPER DAD: Team Payaman’s Junnie Boy Attempts Family Vlogging

Tampok sa unang kabanata ng bagong ‘TSUPER DAD’ serye ng Team Payaman member na si Junnie Boy ang pagiging ama sa kaniyang dalawang anak.

Kasama ang mga bata sa isang simpleng araw na naging special. Puno ng tawa, kalat, at kwento ng pagiging tatay. Abangan niyo kung paano natapos ang first day namin,” deskripsiyon ni Junnie.

Tsuper Dad

Sa halos isang oras na YouTube vlog ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ibinida niya ang mga personalidad ng mga anak na sina Alona Viela at Von Maverick, a.k.a Mavi, uri ng kanyang parenting style, at pati na rin ang mga pangarap niya bilang magulang ng mga ito.  

Nerbyoso, maalaga, at magagalitin,” ganito inilarawan ng 31 years old na vlogger ang sarili bilang isang ama. 

Para kay Junnie, ang panganay na si Mavi ay isang matalinong bata, curious, observant, at madaling pumick up ng mga bagay-bagay.

Samantala, ang bunsong si Viela naman ay isang batang sporty at ma-explore, na tila sumalo ng lahat ng enerhiya na meron siya noong pagkabata. 

Ani Junnie, wala siyang ibang hiling para sa dalawa kundi maging matagumpay sa mga bagay na tatahakin nila balang araw.

Maging masaya sila sa buhay, walang iniisip na problema, at malakas ang katawan. Basta financially, mentally, spiritually, stable sila. Bilang magulang, okay na ako,” kwento ni Junnie.   

Ibinahagi rin ni Junnie ang importanteng aral na nais niyang ipamana sa mga anak: “Kapag nagkaroon kayo ng sariling pamilya, dapat hindi lang kayo handang mamatay para sa mga anak niyo, dapat handa rin kayong mabuhay para sa kanila.” 

Isa rin sa mga hangad ni Junnie para sa bagong vlog serye ay magsilbing ‘diary’ para sa kanyang mga anak at obserbahan kung paano ito nakakaapekto sa kanilang paglaki. 

“Kaya gusto kong gawin ‘to, kapag may importanteng bagay na nangyayari sa kanila, at least recorded, parang nagiging diary mo kung paano ka naging tatay sa mga anak mo.”

Sa huli, binigyang-diin din ni Junnie ang katotohanan na walang perpektong magulang sapagkat ang prosesong ito ay isang ‘continuous growth.’ 

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang humanga sa pagiging hands on father ni Junnie, dahilan upang ipadala ng mga manonood ang kanilang mga pagbati.

@therese8406: “Sa wakas na tuloy na din ang mala “Return of Superman” content na matagal mo inaasam noon pa”

@ikka1665: “Eto yung pinakang gusto kong vlog ni Junnie, his side as a dad napaka comforting panuorin. depende talaga sa parenting kung anong i-aasta ng anak.”

@ashiee.j: “The hand placement ni Junie sa tip ng table kada dadaan [ang mga anak]”

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Kicks Off a Flavorful Start at SM City Masinag

Christmas may still be months away, but the holiday spirit has already arrived in Antipolo…

3 hours ago

Mommy Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Go on a Fun Food Trip Bonding

Hindi lang tiyan ng Team Payaman mother-and-son duo na sina Viy Cortez-Velasquez at Kidlat ang…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Brings Laughter in New ‘Sugod Nanay Gang’ Series

Bagong YouTube series ang hatid ng Team Payaman PAAWER vlogger na si Viy Cortez-Velasquez matapos…

1 day ago

Here’s How You Can Level Up Your Baon with King Sisig in a Jar

We get it! Thinking about what to bring to work or school every day can…

2 days ago

Now Available: New Ivy’s Feminity Hoodie Collection for Men and Women

Almost a year after announcing its rebranding from being a women-focused clothing line to a…

2 days ago

Yow Andrada Reflects on His Passion for Music in Latest Vlog

Muling nagbigay ng inspirasyon si Yow Andrada matapos niyang ibahagi ang kakaibang pagsasama ng talento…

2 days ago

This website uses cookies.