Ang paglalaro ng Pickleball ang isa sa mga kinahihiligan ng Team Payaman members na sina Pat Velasquez-Gaspar, Clouie Dims, at ilan pa sa kanilang mga kasamahan sa loob ng Congpound.
Sa kauna-unahang pagkakataon, buong tapang na pinangunahan ng dalawa ang Sunset Paddle Club Pickleball Tournament na ginanap noong August 16 sa SM Bicutan.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang mga pasilip sa nagdaang pickleball tournament na kanilang sinalihan.
Bago pa man ang laro, ipinakita ni Mommy Pat ang kaniyang pagiging kalmado sa kabila ng tensiyon at kaba.
“Kinakabahan ako… pero enjoy lang. Iisipin lang namin ni Clouie na parang ano ‘to… open play,” aniya.
Tagumpay ang kanilang diskarte dahil talaga namang nagpakitang-gilas ang Pickleball duo sa court. Tuloy-tuloy ang kanilang panalo, at bago pa man ang Semi-Finals ay nasa Top 1 na sila. Sa huli, nasungkit nila ang 1st place kontra sa siyam na duos na lumahok.
Nagbigay ng malaking pasasalamat sina Pat at Clouie sa kanilang coach na si Winona Cabardo, na tinaguriang Rank 1 Pickleball Player sa Pilipinas.
“Sobrang proud ako sa kanila,” wika ni Coach Winona.
Hindi rin nagpahuli ang buong Team Payaman sa pagsuporta, lalo na ang kaniyang mister na si Boss Keng, na todo ang suporta at payo sa buong laro.
Present din ang TP Pickleball squad sa tournament para manood at pumalakpak sa tagumpay nina Pat at Clouie.
Bilang pagdiriwang, nagsalu-salo ang grupo matapos ang kanilang masaya at hindi malilimutang Pickleball experience.
Watch the full vlog below:
Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…
Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…
Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…
Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…
Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…
This website uses cookies.