Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Mark a Milestone in New Endorsements

Hindi lang isa kundi tatlong bigating kaganapan ang ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang Facebook post noong August 23, 2025.

Sa parehong araw, ipinakita ng Team Payaman couple na sina Viy at Cong TV ang kanilang kakayahan bilang influencers pati na rin ang kanilang kontribusyon sa mga lokal na negosyo at kumpanyang nagtitiwala sa kanila.

Triple Milestone

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang ilang mahahalagang kaganapan noong August 23, 2025, kabilang na ang isang makabuluhang yugto sa buhay ng kanyang asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a.  Cong TV.

Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Viy ang mga tagpo na sumasalamin sa kanilang tagumpay bilang mag-asawa at content creators, gayundin ang patuloy na paglawak ng kani-kanilang mga negosyo at brand partnerships.

Isa sa mga tampok ng araw ay ang opisyal na pagpapakilala kay Cong TV bilang pinakabagong endorser ng UnionDigital Bank, bilang patunay ng tiwala ng kumpanya sa kanyang impluwensya at kredibilidad.

Kasabay nito, pinangunahan naman ni Viy ang pagbubukas ng ika-walong leg ng Viyline MSME Caravan sa SM Center Muntinlupa, na naglalayong suportahan at itaguyod ang mga lokal na Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa pakikipagtulungan ng SM Supermalls.

Dagdag pa rito, ibinahagi rin ni Viy ang kanyang pagdalo sa DJI Philippines Osmo 360 Grand Launch, isang Chinese technology company na kilala sa mga drones at camera equipment.

Sa hiwalay na post, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat at kasiyahan sa pagiging bahagi ng kumpanya, na nagsilbing pormal na pagsisimula ng kanyang pakikipag-ugnayan bilang endorser ng tech brand.

“From signing to spotlight – honored to witness the launch of the DJI OSMO 360! Congratulations to my @dji.philippines family for a successful event!” ani Viy sa kanyang Instagram post.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang nagpahayag ng pagbati at paghanga sa mga bagong oportunidad para kina Cong at Viy.

Lea Malbueso: “Ma’am, congrats on all your achievements po ni sir Cong. So proud of you both!”

NoelandMadel Apuada: “Grabe, ang galing naman! More blessings to the Cortez-Velasquez Family!!! God bless you!”

John Rey Lopez: “Congrats, Cong TV and Viy Cortez-Velasquez. God bless!”

Jenelia A. Pineda: “Wow, [ang] galing talaga ng team niyo #TeamPayaman. Congrats, Viy Cortez-Velasquez and Cong TV!”

Maria Flor De-ita Lopez: “Never ending ang flow ng blessings sa inyo kasi hindi kayo binago ng yaman niyo. God bless you more, Viy Cortez-Velasquez!”

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

3 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

7 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 weeks ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 weeks ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.