Yow Looks Back at Team Payaman’s Star Magic All Star Games Experience

Hindi lang basketball skills ang hatid nina Yow at Cong TV, kung hindi pati good vibes at kulitan. 

Sa kanyang pinakabagong vlog, binalikan ni Yow Andrada ang behind-the-scenes moments nila sa nagdaang Star Magic All Star Games 2025.

Pre-Game Biruan

Sa kaniyang bagong YouTube upload, binalikan nila ang ibang moments sa nagdaang Star Magic All Star Games 2025, at bago pa man magsimula ang laro, pabiro agad ang banat ni Yow Andrada sa kanilang playing coach na si Lincoln Velasquez, a.k.a., Cong TV.

“Balita ko Sir, natalo kayo ng Star Magic,” bungad ni Yow. Sagot naman ni Cong, best of 7 years daw ang kanilang laban.

Matatandaang nabanggit na rin niya ito sa isa sa kanyang livestream kung saan sinabi niyang hinahanda na niya ang mga susunod na players ng kanyang grupong Anbilibabols.

Instant Trophy

Kasama rin sa vlog ang eksenang iniabot ni Yow ang isang maliit na trophy kina Cong kung saan may nakalagay na winner

Pabiro itong tinawag ni Cong na parang pang-Oscars, sabay naman bumanat si Aaron Macacua, a.k.a Burong, na hindi bola ang hawak kundi bola. Biro pa ni Cong, imbes na championship, sama ng loob at isang linggong multo raw ang naiuwi nila.

May bitbit pang props si Yow gaya ng pamunas ng luha para sa mga biglang iiyak at mini punching bag na pang-bawas init ng ulo kung sakaling ma-bad trip ang mga ito sa laro. 

Ayon kay Cong, “Ayaw namin ng gulo sa Anbilibabol basketball,” sabay sabing kahit naka-bench, practice pa rin dapat para laging handa.

Byahe Pauwi

Sa dulo ng vlog, ikinuwento ni Yow na noong pauwi sila mula Malaysia ay may tumawag kay Cong para ipaalam na magkakaroon ulit ng laro para sa All-Star Games. 

Doon niya naisip na kahit hindi siya pinapaboran ng basketball, wala namang masama kung ipagpatuloy niya pa rin.

“What if pilitin kong mahalin ang sports na mahal ko kahit hindi ako mahal? ‘Di naman siguro masama kung subukan ko, ‘no?” ani Yow.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

3 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

5 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

5 days ago

This website uses cookies.