Naging usap-usapan online ang muling pagbabalik ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Team Star Magic Shooting Stars sa basketball court para sa isang rematch.
Bukod sa ‘game on’ at serious moments, ito ang ilan sa mga laughtrip highlights mula sa inaabangang basketball rematch ng taon.
Bago pa man magsimula ang laro, game na game ang Team Payaman girls na makipagbardagulan sa TikTok entry ni Viviys.
Isa-isang nakisayaw sina Vien Iligan-Velasquez, Aki Angulo, Clouie Dims, at Pat Velasquez-Gaspar bago suportahan ang mga TP players.
“Wala pang laban pagoda na HAHAHA,” caption naman ni Viviys sa kanyang post.
Isa sa mga hindi malilimutang tagpo ng mga manonood ay ang nakakatuwang paghila ni Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa kakamping si Bok Magnata matapos nitong mabangga ng kalaban.
Muling binalikan ng TP vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang nakakatuwang nangyari at kanya itong ibinahagi sa isang social media post.
“Wala na talaga kayo respeto kay bok HAHAHHAHAAH,” biro ni Viviys.
Kung katatawanan lang naman ang pag-uusapan, hindi nagpahuli si Yow Andrada, a.k.a Waldo d’yan matapos maging top trending ng kanyang courtside tactics para sa mga kakampi.
“Iba talaga Ang nag iisang Yow,” komento ng isang fan.
At syempre, isa sa mga nakakatuwang pasabog ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team ay ang kanilang pasabog performance.
Matapos marinig ang mensahe ng kalabang si Donny Pangilinan, nagbigay ng mensahe si Coach Cong sa pamamagitan ng isang performance.
“Kabahan kana Donneh!” linya mula sa nasabing performance na tumatak sa mga manonood.
Ano ang inyong paboritong All Star Games 2025 moment? I-share na ‘yan!
Now that summer days are over, your makeup should never be — and that’s what…
In her newest YouTube vlog, Team Payaman’s Clouie Dims shared a glimpse of their activity-filled…
Sa kabila ng kaliwa’t kanang ganap sa trabaho at pagiging hands on mom, masayang ipinagdiwang…
Matapos mabiktima ng prank sa nakaraang vlog, seryoso na ngang sumailalim si Coach JM sa…
Nag-alab ang excitement noong Linggo, July 20, sa nagdaang Star Magic All-Star Games 2025 nang…
Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…
This website uses cookies.