Pat Velasquez-Gaspar Proudly Shares Isla Boy’s Adorable “Big Boy Moments”

Patuloy na kinagigiliwan ng netizens ang panganay nina  Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla Boy matapos nilang ibahagi online ang mga “big boy moments” ng kanilang anak.

Mula sa simpleng pagsisipilyo hanggang sa pagbibilang gamit ang wikang Filipino, hanggang sa pagsayaw, ipinasilip ni Mommy Pat ang mga simpleng tagpo na ikinatuwa ng mga manonood.

Brushing Alone

Kamakailan lang, proud na ipinakita ni Mommy Pat ang pagiging independent ng kanyang anak na si Isla Patriel Velasquez-Gaspar pagdating sa kanyang personal hygiene. 

Mapapansing nais na nitong siya mismo ang magsipilyo ng kanyang mga ngipin sa kabila ng kanyang murang edad.

Hinayaan naman ni Mommy Pat ang kanyang anak na ipakita ang sariling kakayahan habang maingat niya itong ginagabayan. 

Counting in Filipino

Isa rin sa proud parents moment nina Boss Keng at Pat ay nang turuan naman nila si Isla Boy na magbilang gamit ang wikang Filipino. 

Habang isa-isang binibigkas ni Mommy Pat ang mga numero, masiglang inuulit ni Isla Boy ang mga ito sa sarili niyang paraan.

Bagamat may ilang maling bigkas, patuloy pa rin sa paghikayat si Mommy Pat para matutunan ng kanyang anak ang tamang pagbigkas. 

Hopping on Dance Trends

Hindi rin nagpahuli ang mag-ina sa pagsabay sa TikTok trend. Sa ikatlong video, nakisabay si Isla Boy at Mommy Pat sa isang dance challenge gamit ang kantang “My Main” ni Mila J.

Makikitang sumasayaw ang mag-ina sa harap ng kamera habang sinusubukang sabayan ni Isla Boy ang mga galaw ng kanyang ina.

Netizens’ Comments

Hindi lang si Mommy Pat ang proud sa mga “big boy moments” ni Isla Boy. Marami ring netizens ang natuwa at humanga sa pagiging independent at pagkabilis matuto nito.

@micarons_: “Sobrang nakaka-amaze si Isla! Gustong gusto niya ‘yung mga bagay na ayaw ng ibang bata like taking medicine/vitamins and brushing teeth.”

@ctrl_aelt3r_ego: “Very good! Tinuturuan din mag tagalog. [Belated] happy birthday, Isla boy! Ganda ng genes ni Pat at [Boss] Keng.”

@jenjoves30: “Wow! Galing naman ni Isla boy!”

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

3 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

6 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 week ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 week ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.