Team Payaman’s Kevin Hermosada Reveals The First Filipino To Collaborate with Mr.Beast

Sa ikatlong episode ng ‘Kumusta’ series ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada, tampok ang Gen Z content creator na si John Patrick Alejandro, a.k.a. “Jepitot”.

Sa kanyang vlog, mas pinili ni Kevin na kilalanin ang tao sa likod ng viral videos. Ibinahagi ni Jepitot ang kanyang karanasan sa bullying, ang simula ng kanyang content creation journey, at ang mga prinsipyong patuloy niyang pinanghahawakan bilang isang creator.

Jepitot’s Journey

Sa panayam ni Kevin Hermosada kay John Partrick Alejandro, a.k.a. Jepitot, ibinahagi nito ang kwento sa likod ng kanyang pangalan na “Jepitot” sa mundo ng social media.

Ayon kay JP, nagmula ito sa bansag sa kanya noong bata pa siya dahil sa kanyang itsura at kulay ng balat—dahilan kaya siya’y naging biktima ng bullying mula elementarya hanggang high school.

Sa kabila nito, hindi siya pinanghinaan ng loob at ginamit ang mga karanasang ito bilang inspirasyon sa paggawa ng kanyang content.

Sa murang edad na 22, nakilala si Jepitot sa paggawa ng mga self-prank videos at wholesome content, dahilan upang makatrabaho niya ang ilang malalaking pangalan sa online world tulad nina King Chris, BBNo$, Pokimane, at si MrBeast.

Ang kanyang unang video na “Pranking Myself” ay umani agad ng atensyon online. Ayon kay JP, dahil sa kawalan ng taong nagpapasaya sa kanya, pinili niyang patawanin ang sarili sa pamamagitan ng prank, na kalaunan ay naging tatak ng kanyang content.

“Lonely kasi akong tao. Ang dami kong nakikitang nagpa-prank, pero wala man lang nagpa-prank sa akin. Kaya ang ginawa ko, ipa-prank ko na lang ‘yung sarili ko. ‘Yun ‘yung una kong content. Una kong content, nag-trend. Pranking myself,” kwento ni JP.

Bukod sa paggawa ng content, mahilig rin si JP sa musika at sining. Ibinahagi niya ang kanyang hilig sa busking at pagpipinta—mga libangan na nagbibigay sa kanya ng ginhawa sa gitna ng mga hamon ng social media.

Ipinasilip din ni JP ang kanilang tahanan—isang simpleng espasyo na nagsisilbing lugar para sa kanyang content creation. 

Sa parehong vlog, ibinahagi rin ni JP ang ilang personal na karanasan, kabilang na ang isang mahirap na emosyonal na yugto na kanyang matagumpay na nalampasan.

Bilang mensahe sa mga kapwa kabataan at aspiring content creators, pinaalalahanan ni JP ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at pagiging responsable.

“Being a content creator, kailangan maging responsable ako. Kasi tao ang nanonood. Napansin ko rin sa mga dating content creator—sa mga nauna, kagaya nina Kuya Cong at Lloyd [Cafe] Cadena—wala pa [masyadong] mga issue noon,” ani JP.

Sa huli, iginiit ni JP na mas mainam lumikha ng content na nagbibigay ng saya at inspirasyon kaysa sa mga nilalamang nakaugat sa kontrobersya.

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng positibong komento mula sa netizens ang panayam ni Kevin kay Jepitot. Marami ang humanga sa pagiging totoo ni Jepitot at sa kanyang pagiging straightforward.

@joshgamingvlogs9631: “Napaka-solid nito, Kuya Kevs! Napaka-straight forward niya sa mga sagot niya. Salute to you, Jepitot.”

@mariestelleeemsm: “Ang ganda ng Episode 3 ng Kumusta, Kuya Kevs. I’m so proud of you. Lalong nagiging deep ‘yung message ng mga content mo. [Ang] ganda panoorin.”

@TOPFOODS-c9o: “Kevs, sana tuloy-tuloy mo yung ganitong content—bagay sa’yo at madami kami natutunan about sa content creator na nakakausap mo.”

Watch the full vlog below: 

Angelica Sarte

Recent Posts

‎Team Payaman’s Clouie Dims and Chino Liu Share Their First Head Spa Experience

‎ Isang super relaxing na 'SPAdventure' ang ibinahagi ni Clouie Dims sa kanyang pinakabagong YouTube…

2 days ago

Team Payaman’s Boss Keng Launches Playhouse Pickle in Bacoor, Cavite

Isang bagong pasilidad para sa mga mahihilig sa pickleball ang binuo ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Cong TV Captures Hearts with Aaron Oribe’s Journey in Latest Vlogs

Isang nakakaantig na pangyayari ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Cong TV sa…

4 days ago

Tokyo Athena Charms Netizens With Adorable Mulan-themed Photoshoot

Wala na namang mapaglagyan ng gigil ang mga netizens sa overload cuteness na hatid ng…

5 days ago

Get Creative and Start Building with TP Kids’ All-New Building Blocks

As kids grow older, they crave fun and memorable bonding moments without spending the entire…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spends a Day in the Life as a ‘Sepulturera’

Isa na namang kakaibang karanasan ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez…

5 days ago

This website uses cookies.