Team Payaman’s Dudut Lang Tells All in Ninong Ry’s “Meal of Fortune” Vlog

Sa pinakabagong episode ng Meal of Fortune ng Team Payaman chef na si Ryan Morales Reyes, a.k.a. Ninong Ry, isang masayang cooking session at kwentuhan ang inihain nila ng kapwa TP member na si Jaime De Guzman, a.k.a. Dudut Lang.

Tunghayan ang isang espesyal na kwento kung saan ibinahagi ni Dudut ang kanyang personal na karanasan bago siya naging bahagi ng Team Payaman.

Meal of Fortune ft. Dudut Lang

Bago pa man simulan ang aktwal na pagluluto, ipinaliwanag ni Ninong Ry ang mechanics ng kanyang segment. 

Sa pamamagitan ng tatlong roleta na may kategoryang protein, dish, at cuisine, lumabas ang hindi inaasahang kombinasyon na pork, pizza, at chinese cuisine. 

Bagama’t aminadong bago ito para kina Dudut at Ninong Ry, game na game parin nilang hinarap ang hamon.

Habang si Dudut ang inatasang mag-sear ng karne, si Ninong Ry naman ang naghanda ng sawsawan gamit ang traditional Chinese ingredients tulad ng shaoxing cooking wine, hoisin sauce, sesame oil, five-spice powder, at kaunting honey bilang kapalit ng maltose.

Ipinaliwanag ni Ninong Ry ang kahalagahan ng mga sangkap na ito para makuha ang tamang lasa at kulay ng Char Siu-style pork.

Sumunod nilang ginawa ang dough para sa base ng pizza. Kahit nahirapan sa proseso, nagtulungan sina Dudut at Ninong Ry upang makabuo ng soft at slightly toasted na tinapay na kahawig ng siopao dough—ngunit flat at crispy sa ilalim.

Nang matapos ang lahat at matikman ang niluto, parehong nasiyahan sina Dudut and Ninong Ry sa naging resulta. Para kay Dudut, sakto lang ang timpla ng sawsawan at kikiam-style pork. 

Ayon kay Ninong Ry, kahit hindi ito tipikal na lasa ng pizza, gumana pa rin ang konsepto at masarap ang kinalabasan.

Dudut’s TP Back Story

Sa ikalawang bahagi ng vlog, ibinahagi naman ni Dudut ang kwento kung paano siya naging bahagi ng Team Payaman at kung paano niya sinimulan ang karera sa vlogging.

Matagal na raw silang magkakilala ni Ninong Ry at madalas din siyang tumambay noon sa bahay nito. Ngunit ang pagpasok ni Dudut sa Team Payaman ay hindi planado. Nag-ugat ito sa isang simpleng biruan kasama ang barkada, dalawang buwan bago siya opisyal na sinundo ng grupo ni Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV.

Ayon kay Dudut, habang medyo naka-inom, biro niya kay Cong na pasikatin siya at baguhin ang buhay niya. Hindi niya inakala na magiging totoo ito. 

“Siyempre, alam mo ‘yung mga tropa mo na may tropang sikat. Gano’n si Cong sa amin. Tapos sinasabi ko sa kanya habang medyo naka-inom ako, ‘Uy, ako rin. Baguhin mo rin buhay ko, pasikatin mo ako. Yung gano’n,’” kwento ni Dudut.

Sa gitna ng pandemya, habang ang iba ay naka-lockdown, sinundo siya nina Cong at dinala sa Payamansion hindi para mag-vlog kung hindi para magluto.

Matagal nang kilala ng grupo ang husay ni Dudut sa pagluluto, kaya’t hinanap-hanap nila ang kanyang mga luto. Mula sa simpleng tungkulin bilang tagapagluto, unti-unti siyang naisama sa mga vlog ng Team Payaman.

Nagsimula ang YouTube journey ni Dudut sa pamamagitan ng “Dudut Lang All Around” kung saan sinusubukan niya ang iba’t ibang trabaho, kasabay ng “Dudut’s Kitchen” na nakatuon naman sa kanyang cooking content.

Sa simula, aminado si Dudut na hindi niya agad alam kung anong direksyon ang tatahakin niya sa vlogging. Ngunit sa tulong ng Team Payaman at sa suporta ng mga nanonood, unti-unti niyang nakilala ang sarili at kung ano talaga ang gusto niyang ibahagi sa content.

Nabanggit din ni Dudut na ang pagluluto ay hindi lang basta trabaho para sa kanya kundi isang uri ng therapy. Simula pa noong siya’y estudyante, naging paraan na niya ito ng pagpapahinga. Kaya kahit nasiyahan siya sa paggawa ng “All Around” series, pinili pa rin niyang bumalik sa kusina—ang lugar kung saan siya tunay na komportable.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
16
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *