Isang bagong youtube vlog muling nagsama ang dalawang kilalang personalidad sa mundo ng digital content creation sina Michelle Dy at Baninay Bautista.
Sa pinakabagong episode ng “Makeup Sessions” ni Michelle, tampok ang hindi lamang palitan ng beauty tips kundi isang malalim na usapan tungkol sa kanilang personal na buhay, karanasan sa industriya, at mga aral na natutunan sa paglipas ng panahon.
Sa unang bahagi pa lamang ng video, agad nang naghatid ng kilig at tawa ang biruan ng dalawa hinggil sa kani-kanilang mga love life.
Hindi rin napigilan ni Baninay ang magpatawa habang proud na sinabing “Napakalaki ng jowa ko. Napakatangkad niya!” Kaya naman ang love story nila ng boyfriend niyang si Von, na almost seven years na, ay talaga namang #SanaAll para sa kanilang mga tagahanga.
Ganoon din naman sa love life ni Michelle kung saan ibinahagi niya na kadalasan ay salitan sila sa pagbisita sa isa’t isa.
Tinanong din ni Michelle ang tungkol sa past business ni Baninay at Von. Kwento ni Baninay, “Maraming nagnakaw sa amin. Feeling ko maraming hindi nababantayan.” Pero imbes na sumuko, bumangon sila at ngayon ay may sarili nang Airbnb/resort business, at may plano pang magtayo ulit sa ibang lugar.
Binalikan din nila ang pagiging OG YouTubers. Pareho silang nagsimula sa panahon na wala pang TikTok, IG reels, o short-form content.
Kwento nila, noon ay araw-araw ang upload, tapos ikaw pa lahat videographer, editor, talent, marketing. Kaya hindi rin madali, at umabot sa point na napagod sila. Sabi nga ni Baninay, “Noong pandemic, naging pahinga. After nun, ang dami nang nagbago.”
Watch the full vlog below:
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
This website uses cookies.