Muling pinasaya ng social media personality na si Sachzna Laparan ang kanyang mga tagapanood sa isang bonding moment kasama ang kapatid niyang si Ryannah Julia.
Sa kanyang latest YouTube upload, sinubukan nilang gawin ang One Shot, One Makeup Challenge na nauwi hindi lamang sa tawanan kundi pati sa ilang emosyonal na usapan tungkol sa kanilang personal na mga buhay.
Sa unang bahagi ng vlog, sinubukan nina Sachzna at ng kanyang kapatid na si Ryannah Julia, ang sikat na One Shot, One Make-Up Challenge, kung saan bawat hakbang ng kanilang makeup routine ay may katumbas na isang shot ng alak.
Bagama’t hindi umano sila eksperto sa pagme-makeup, game na game nilang sinimulan ang nasabing hamon.
Habang nagpapatuloy ang challenge, nauwi sa mas personal na usapan sina Sachzna at Julia kaya’t hindi naiwasang maging emosyonal ang dalawa.
Sa gitna ng tawanan at kulitan, lumitaw ang seryoso nilang usapan tungkol sa kasal, pagkakaroon ng anak, bashers, mga alaala ng pagkabata, at ang tunay na koneksyon nila bilang magkapatid.
Naging bukas si Julia tungkol sa kaniyang karanasan bilang miyembro ng LGBTQIA+ community—kabilang ang panahong in denial pa siya noong kabataan at kung paano niya natutunang tanggapin ang sarili.
Napag-usapan din nila ang ideya ng kasal at ang mga hamon sa legalidad nito para sa mga tulad ni Julia.
Naibahagi rin nila na pareho silang may PCOS o Polycystic Ovary Syndrome at bukas sa posibilidad ng IVF o pag-aampon sa hinaharap.
Naging parte rin ng kanilang diskusyon ang kanilang pamilya. Dito, inamin ni Sachzna na siya ang madalas magsakripisyo noon para sa kanilang pamilya, kaya naman dama ang taimtim na pasasalamat ni Julia sa kanyang kapatid na naging gabay at inspirasyon niya.
“Growing up talaga, sa akin, puro trabaho talaga ako. Kung baga, ako yung parang naging trial and error sa pamilya natin. Kaya ngayon, nagagawa mo na yung gusto mo sa buhay,” ani Sachzna sa kanyang vlog.
Sa pagtatapos ng vlog, naging isang taos-pusong pag-uusap ang namagitan kina Sachzna at Julia. Inamin ni Julia na masuwerte siya dahil si Sachzna ang kanyang kapatid—ang taong unang nagtahak ng daan para sa kanya.
Umani ng positibong komento at suporta mula sa netizens ang vlog nina Sachzna at Julia. Maraming manonood ang naantig sa tapat na usapan ng magkapatid.
@MommaDeynVlog: “I truly deeply appreciate these two sisters, Sachnza and Julia. Both of them are truly blessed to have each other, despite the many challenges and hardships that sister Sachnza faced in the past. At least now, you no longer have to struggle because you’ve both survived those difficult times. Thanks to Sachnza’s perseverance and hard work, and Julia’s incredible talents. It’s important to remember that it’s never wrong to be part of the LGBT community. What truly matters is that she is accepted and loved just as she is, especially by her own parents. Their bond and acceptance are truly heartwarming and inspiring.”
@angelicamatoreno1409: “Bro, it’s not a joke to share that kind of pain, it’s not maoy. Crying and sharing that sa tao na nakaka-intindi is so very comforting.”
@jaymeelumbera9221: “All panganay knows how hard it is na maging breadwinner. I feel the same way, nag ibang bansa para sa pamilyang nasa pilipinas para sa better future din nila.”
Watch the full vlog below:
Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ng content creator at celebrity mom na si Toni Fowler…
Isang nakakatuwang sorpresa ang ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang Facebook post nang ipakita niya…
Tunghayan ang ilang life update ng Team Payaman member na si Aaron Macacua, a.k.a Burong,…
Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…
Ready to upgrade your makeup collection? Viyline Cosmetics is giving beauty lovers a treat with…
Sa isa na namang episode ng ‘Cooking Ina’ serye ni Viy Cortez-Velasquez, good vibes at…
This website uses cookies.