Team Payaman’s Abigail Campañano-Hermosada Shares a Day in Her Life as a Young Wife

Matapos ang halos isang taong pahinga sa vlogging, muling nagbabalik ang Team Payaman member na si Abigail Campañano-Hermosada upang ipasilip ang mga pangkaraniwang tagpo sa kanyang buhay bilang isang asawa.

Tampok sa kanyang bagong YouTube upload ang mga simpleng gawi na bumubuo sa araw nila ng kanyang asawang si Kevin Hermosada.

Life as a Young Wife

Sa pagsisimula ng kanyang vlog, ipinasilip ni Abigail Campañano-Hermosada, a.k.a. Abi, ang kanyang umaga, kung saan ipinaghanda n’ya ng kape ang asawang si Kevin. 

Kasunod nito, nagluto siya ng Inabraw—isang Ilocano vegetable soup na inihain niya bilang kanilang brunch, gamit ang mga natira nilang gulay gaya ng okra, baguio beans, at kalabasa.

Ayon kay Abi, bilang anak ng isang Ilokano, nakasanayan na rin niya ang ganitong paraan ng pagluluto at binanggit na hilig nilang maglagay ng bagoong isda sa mga putahe bilang pampalasa.

“As a daughter of an Ilokano, I somehow adapted their way of cooking,” ani Abi sa kanyang vlog.

“We love putting anchovies (bagoong) in our dishes,” dagdag pa ni Abi.

Bukod sa Inabraw, naghanda rin siya ng Baked Salmon Belly na paborito umano ni Kevin. Habang kumakain, magkasama silang nanood sa may sala, at si Abi ay nakipaglaro sa kanilang furbaby na si Taeki.

Bilang bahagi ng kanyang tungkulin sa tahanan, sinabi ni Abi na kabilang sa kanyang routine ang pagtutupi ng mga malilinis na damit.

Pagsapit ng hapon, naghanda si Abi ng merienda sa pamamagitan ng paggawa ng homemade burger patties.

Ipinakita ni Abi ang buong proseso mula sa paghahanda ng patties hanggang sa pagbuo ng burger na may lettuce, kamatis, at sarsa. 

Sa pagtatapos ng vlog, makikitang excited si Taeki sa pagdating ng pamangkin ni Abi. Sa huli, nagpasya si Abi at ang kanyang pamangkin na sorpresahin si Kevin kaugnay ng pagdating nito.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming tagasuporta ang natuwa sa muling pagbabalik ni Abi sa paggawa ng YouTube vlogs. 

@RussellObsequio-g7r: “Finally, nag-vlog ka ate! Nakailang binge watch na ako lalo na sa mga cooking videos mo. Sana may cooking videos ulit.”

@trinaskyaranez7871: “Natakam ako sa gulay at salmon, cuz. God bless Abi & Kevin.”

@bretheartgregorio1886: “Power sa inyo, Team AbbyKevs!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

7 hours ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

8 hours ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

17 hours ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

19 hours ago

TP Kids Introduces the Philippine Names Book Collection for Young Learners

Team Payaman Kids, a subsidiary of Viyline Group of Companies, has been turning learning into…

2 days ago

This website uses cookies.