Team Payaman Girls Are Owning Their Pickleball Era

Bukod sa TP kids, hindi rin nagpahuli ang ilang Team Payaman members pagdating sa pagiging aktibo.

Tunghayan ang pagkahumaling ng nasabing vlogger group sa paglalaro ng Pickleball!

Pickleball

Ang paglalaro ng pickleball ay nauuso dahil bukod sa pisikal na benepisyo nito, isa rin ang pagkakaroon ng bonding kasama ang mga kaibigan at pamilya ang ipinapangako nito.

Ang larong ‘pickleball’ ay nagmula sa United States of America, at tuluyan nang nakilala sa iba’t-ibang mga bansa.

Ang paglalaro nito ay maihahalintulad sa paglalaro ng padel o hindi naman kaya’y paglalaro ng tennis.

Sa kasalukuyan, ang paglalaro ng pickleball ay isa sa mga pangunahing bonding ng Team Payaman girls tuwing gabi.

Una nang naglaro sina Clouie Dims, Tita Krissy Achino, Kevin Hufana at Jopearl Page, na sila naman ding sinundan nina Vien Iligan-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, at Venice Velasquez.

TP Girls x Pickleball

Bagamat baguhan pa lang sa paglalaro, kitang kita na ang pagkahumaling ng Team Payaman Wild Cats sa pickleball. 

Isa na si Clouie Dims sa nagbahagi ng kanyang progreso pagdating sa paglalaro ng nasabing sports.

“Still getting the hang of it,” aniya sa kanyang Instagram post.

Hindi rin nagpahuli si Vien Iligan-Velasquez na nagbahagi ng kanyang active wear OOTD matapos maglaro ng pickleball.

“Pilates flow, pickleball go!” saad niya. 

Samantala, labis naman ang paghanga ng kanyang kapwa TP members sa galing ni Pat Velasquez-Gaspar sa paglalaro.

Naihalintulad din ni Vien ang hipag na si Pat kay Maria Sharapova, isang tanyag na Tennis Player.

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

1 day ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

2 days ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

4 days ago

Dress Selections That Shouldn’t Leave Your Closet According to Viy Cortez-Velasquez

Aside from her fierce makeup looks, Viy Cortez-Velasquez’s followers adore how she elevates her looks…

4 days ago

This website uses cookies.