
Sunod-sunod ang TikTok entries ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez habang sila ay nagbabakasyon sa Japan.
Alamin ang mga reaksyon ng mga netizens sa mga nakakatuwa na video updates mula kina Cong at Viviys.
‘G Luv’
Pagkalapag pa lang ng mag-asawang Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at Viy Cortez-Velasquez sa Japan, hindi na sila nakapagpigil sa pag-upload ng kanilang kauna-unahang TikTok entry.
Nak-isa ang mag-asawang Cong at Viy sa ‘G Luv’ TikTok trend na kung saan hindi magkamayaw ang dalawa sa kanilang sweetness!
Your Love is My Drug
Hindi rin nagpahuli sina Viviys sa sikat na ‘Your Love Is My Drug’ lipsync challenge na laganap ngayon sa TikTok.
Nasa tatlong milyon na ang bilang ng nakapanood ng TikTok trend entry nina Cong TV at Viviys matapos maipakita ang kanilang ‘nonchalant’ at ‘OA’ na karakter.
Fit Check With A Twist
At syempre, hindi rin pinalampas ng dalawa na maibida ang kani-kanilang mga OOTD na kanila pang sinamahan ng pagsasayaw.
Marami ang natuwa dahil patuloy na ang pagsama ni Cong TV sa mga pang-aaya ng misis niyang si Viviys na makasama s’ya sa kanyang mga TikTok uploads.
Let’s Groove!
Isa rin ngayon ang Freddie Mercury-inspired OOTD ni Cong TV habang sumasayaw kasama si Viviys ang kinagiliwan ng madla.
Suot ang kanyang neon orange at yellow top na kanyang pinaresan ng flare pants, marami ang natuwa sa kakaibang epekto ng Japan kay Cong.
Marami sa kanilang mga kapwa Team Payaman members ang hindi napigilang batin ang OOTD ng kanilang Kuya Cocon.
Pat Velasquez-Gaspar: “Sis Iuwi mo na yan si kuya at iba na amats niyan”
Tin Piamonte: “Hahahaha!”
Vien Iligan-Velasquez: “Kuya!!!”
Yow Andrada: “LASTIKMAAAAAANNNN”
Netizens’ Comments
Bukod sa TP members, marami rin sa mga taga-suporta nina Cong at Viy ang nagpahatid ng kanilang mga komento.
Sanjae: “Pinandigan yung vow na lagi ng sasama sa mga tiktok. Hahahaa”
Jeyyy: “Ilang pilit yan mama viy bago mo napapayag?”
Joovy: “May asawa na nmang napagbigyan!”
Ano ang inyong paboritong TikTok entry nina Cong at Viviys? Ibahagi na ‘yan!
