Balik-bata vibes ang hatid ng bagong vlog ni Yow Andrada kasama ang kapwa Team Payaman members na sina Bok at singer-songwriter na si Matthaios sa isang nakakatuwang Beyblade battle!
Tunghayan ang mga kwela at makapigil-hiningang tagpo sa Beyblade battle ni Yow Andrada laban kay Rhenz Abando.
Todo enjoy ang Team Payaman members na sina Yow, Bok, at Matthaios habang nilalaro ang kani-kanilang Beyblade sa arena.
May pa-special moves gaya ng “scissors kick” at hindi rin nawawala ang trash talk na talaga namang bentang-benta sa viewers.
Sabi pa ni Yow, “Grabe ‘tong stunts nitong bata ko!” nang may lumaban sa kaniyang bata. Simpleng laro lang, pero ramdam ang excitement sa bawat sigaw nila ng “3, 2, 1, go shoot!”
Pero ang pinakaabangan ng lahat? Walang iba kundi ang 1v1 face-off nina Yow at Rhenz Abando.
Biglang sumulpot si Rhenz, at kahit hindi sa basketball court, palaban din ang nasabing player pagdating sa paglalaro ng Beyblade.
“Pwede ko na ipagmalaki, naka-1v1 ko si Rhenz Abando!” proud na sabi ni Yow.
Nagbiro pa si Rhenz, na baka sa Cartimar o Quiapo binili yung beylade at may paalala pa sila: “Guys, sa Japan kayo bumili ng Beyblade — wag sa Cartimora!” dagdag ni Rhenz.
Hindi man pinalad si Yow ay labis pa rin ang kanyang tuwa san muling paglalaro ng Beyblade kasama ang mga kaibigan.
Watch the full vlog below:
More than just being content creators, Viy Cortez-Velasquez and Yiv Cortez are now the faces…
Muling naghatid ng saya ang magkapatid na Tokyo Athena at Zeus Emmanuel, a.k.a. Kidlat, sa…
Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…
Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…
Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…
Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…
This website uses cookies.