
Matapos ang Vietnam adVIENture ng Team Payaman momma na si Vien Iligan-Velasquez, isang bonggang shopping haul naman ang kaniyang hatid sa kanyang pinakabagong vlog.
Sa vlog, ibinida niya ang kanyang brand-new clothes at accessories mula sa iba’t ibang local markets, at street boutiques sa Ho Chi Minh City, Vietnam, na sinamahan pa niya ng kanyang mga praktikal na shopping tips at rekomendasyon.
Shopping Paradise
Mula sa abot-kayang presyo na ₱200 hanggang ₱2,700, ipinakita ng lifestyle vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang iba’t ibang uri ng damit at accessories na perfect para sa iba’t ibang okasyon – mula sa casual wear, pang-awra, hanggang sa mga pang-events.
Kabilang sa kanyang mga pinamili ang halter tops, sandos, cute shirts, shorts, skirts, dresses, trousers, blouses, gowns, coords, sandals, eyeglasses, at bags.
Ayon kay Vien, ang iba’t ibang klase ng abot-kaya ngunit de-kalidad na damit, bag, at sandals sa District 1, District 2, at District 3 ng Ho Chi Minh City.
Payo niya sa mga nagpaplanong mag-shopping sa Vietnam, “Alamin niyo na kung ano ‘yung meron sa District 1, kung ano ‘yung hinahanap niyo. Sa iba-ibang district, may iba-ibang branch.”
Shopping Tips
Para sa smoother shopping experience sa Vietnam, narito pa ang ilang mahahalagang tips mula kay Mommy Vien;
Pagdating sa pera at bayaran, paalala niya upang maiwasan ang abala, “Bago kayo pumunta sa cashier, tanungin niyo muna kung nagca-card sila or cash.”
Dagdag pa niya pagdating sa sukat, “Medyo nalilito sila sa small and medium. So, sasabihin niyo lang, size S or size M. Tapos parang L lang sila meron madalas, wala silang Extra Large.” Iwasan ang paggamit ng “small, medium, large” at direkta lang na sabihin ang letrang S, M, o L.
Maigi rin na magdala ng komportableng damit at manatiling hydrated dahil sa sobrang init na panahon sa Vietnam. At para makatipid ng oras at makaiwas sa sobrang pagod, ayon sa kanya, “Alamin niyo muna ‘yung mga shop bago kayo magpalipat-lipat.”
Hindi naman kinaligtaan ng Team Payaman adVIENturer ang mga masasarap at must-try na Vietnam street foods. “Guys, masarap ang food ng Vietnam lalo na ‘yung sa mga gilid-gilid lang. As in!”
Sa kanyang vlog, muling pinatunayan ni Mommy Vien Iligan-Velasquez na bukod sa pagiging isang loving mom, isa rin siyang praktikal at fashion-savvy na shopper!
Watch the full vlog below:
