A Peek Inside Kidlat and Tokyo’s New Room with Viy Cortez-Velasquez and Cong TV

Matapos ang ilang buwang paghihintay, ipinasilip na ng mag-asawang Viy Cortez-Velasquez at Cong TV ang bagong bihis ng kanilang master bedroom.

Tunghayan ang mga pagbabago sa kwarto ng kanilang mag-anak at ang hindi matatawarang reaksyon ng anak nilang si Kidlat.

New Family Room

Sa kanyang bagong vlog, hatid ng 28 anyos na vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang pasilip sa bago nilang kwarto.

Aniya, kanilang napag-isipang mag-asawa na palakihin pa ang kanilang master bedroom upang makasama nila ang kanilang mga anak sa pagtulog.

“Nadagdagan pa kami ng isa kaya ang sabi namin, kailangan na naming palakihin [‘yung kwarto],” kwento ni Viviys.

Kaya naman, matapos ang ilang buwang paghihintay, handa na ang kwartong tutulugan nina Mommy Viy, Daddy Cong, Kuya Kidlat, at Baby Tokyo.

Sa loob ng kanilang kwarto matatagpuan ang mini sofa, na ayon kay Viviys ay magiging tambayan nilang mag-asawa.

Nanatili pa rin ang ayos ng kanilang higaan, TV, at ilang mga kagamitan at tanging ang kwarto lamang ng kanilang mga anak ang kanilang ipinaayos.

Ipinasilip ni Mommy Viy ang Spiderman-themed na higaan ni Kidlat katapat naman ang kuna ni Baby Tokyo.

Sa nasabing kwarto, matatagpuan din ang munting play area nina Kuya Kidlat at Baby Tokyo na naglalaman ng ilang educational toys mula sa TP Kids.

Kwento ni Viviys, noon ay balcony lamang ang hitsura ng dating kwarto ng kanilang mga anak. Kanilang napagdesisyunan na gawin na lamang iyong kwarto ng magkapatid na Kidlat at Tokyo.

Nagtalaga rin si Mommy Viy ng espasyo upang mabihisan ang kanyang bunso na si Tokyo upang mas maging madali na ito para kina Ate Acar.

Kidlat’s Priceless Reaction

Nang matapos na ni Mommy Viy ang paggawa ng room tour, sunod naman n’yang ipinakita kay Kuya Kidlat ang kanyang bagong hihigaan.

Hindi maabot ang ngiti ni Kidlat nang masilayan na ang kanyang Spiderman-themed na higaan.

“Thank you, [Mommy and Daddy]!” pasasalamat ni Kidlat sa mga magulang.

Samantala, marami ang natuwa sa ideya nina Mommy Viy at Daddy Cong sa pagkakaroon ng munting kwarto ng kanilang mga anak kadikit ng kanilang tulugan.

@DaveCliffordMacz: “I don’t know pero naiiyak ako pag yung nagawa niyo sa anak niyo ay nagustuhan nila. I felt those doubts ni Viy na “what if hindi magustuhan ni Kidlat”, but it turns out well. I am happy na you are giving your best sa mga anak niyo, yung deserve nilang needs and wants.”

@theincognito_: “Ang cute! Ang brilliant ng idea na attached ‘yung room ng babies sa room ng parents.”

@Eamahdela: “Ang cute ni batutinggg more vlog with kidlat mommy viyyyy apakadaldal naaa”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.