Toni Gonzaga and Paul Soriano Renew Vows on Their 10th Wedding Anniversary

Isang dekada matapos nilang unang ibigay ang kanilang “I do,” muling ipinagdiwang nina Toni Gonzaga-Soriano at Paul Soriano ang kanilang matatag na pagsasama sa isang tahimik at makabuluhang renewal of vows.

Dumaloy ang selebrasyon sa presensya ng kanilang mga anak na sina Seve at Polly, kasama rin ang ilan sa kanilang pinakamalalapit na mahal sa buhay na naging saksi sa espesyal na okasyon.

Renewal of Vows

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng actress at TV host na si Celestine Gonzaga-Soriano, a.k.a. Toni Gonzaga, ang mga espesyal na sandali mula sa renewal of vows nila ng asawang si Paul Soriano. 

Makikita sa kanyang post ang mga tagpo sa seremonya na puno ng damdamin at pagmamahalan tampok ang presensya ng kanilang mga anak na sina Severiano Elliott a.k.a. “Seve,” at Paulina Celestine a.k.a. “Polly.”

Matatandaan na ikinasal sina Toni Gonzaga at ang film director-producer na si Paul Soriano noong Hunyo 2015 sa United Methodist Church sa Taytay, Rizal.

Sa kanilang 10th anniversary, muling ginaya ng mag-asawa ang hitsura ng kanilang original wedding venue na pinalibutan ng mga puting bulaklak.

Sa pagkakataong ito, si Toni ay isang modern bride sa kanyang midi-length strapless dress na may malaking bow sa likod, na kanyang tinernuhan ng klasikong belo.

Samantala, ibinahagi rin ni Toni sa kanyang Instagram post ang litrato nila ng bunsong anak na si Polly, na tila magkambal sa kanilang magkaparehong suot.

Congratulatory Messages

Sa pamamagitan ng isang Instagram reel, nagpaabot ng pagbati ang kapatid ni Toni na si Catherine Cruz Gonzaga-Morada, a.k.a. Alex Gonzaga, na kilala rin bilang aktres at content creator.

“Love you both, Ate and Kuya Paul! We are all happy you are choosing to love each other every day. Praise God for your marriage!” ani Alex sa kanyang post.

Hindi rin nagpahuli sa pagbati ang mga netizens na nagpaabot ng kanilang masasayang komento para sa mag-asawa. Marami ang natuwa at naantig sa matatag nilang pagsasama sa loob ng isang dekada.

Melissa Azupardo Manalo: “10 years of love, grace, and God at the center. What a beautiful testimony. Your journey reminds us that the most powerful kind of love isn’t loud, it’s faithful. Thank you for sharing this light with all of us. You inspire not just as a couple, but as a family built on prayer and purpose. Happy 10th, you two! May your love continue to shine and inspire.”

DanesDean Bartolome Arrowsmith: “Congratulations! My fave married couple is now hitting their 10th wedding anniversary. What a great milestone.”

Virgie Canar Madriaga: “Happy 10th wedding anniversary, Ms. Toni and Mr. Paul. May God bless your marriage and family.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

18 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.