Boss Keng Wins Praise from Netizens for Supporting Wife Through Motherhood

Tampok ngayon sa pinakabagong episode ng ‘Kwentuhan sa Veranda’ serye ni Pat Velasquez-Gaspar ang asawa n’yang si Boss Keng.

Matapos mapakinggan ang kanilang kwento, kaliwa’t kanan ang mga papuring natatanggap ng dalawa dahil sa kanilang pamamaraan ng pagtahak sa landas ng pagiging magulang.  

Selfless Acts

Sa bagong episode ng ‘Kwentuhan sa Veranda’ seryeng hatid ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar, kanyang inanyayahan ang asawang si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, upang makipag-kwentuhan.

Bukod sa relasyon at mga anak, kanila ring pinag-diskusyunan ang reyalidad ng pagkakaroon ng lumalaking pamilya.

Sa mahigit isang oras na vlog, nangibabaw sa mga manonood ang pagde-detalye ni Pat ng mga sakripisyo ng asawa n’yang si Boss Keng pagdating sa pagiging isang ama at asawa.

Kwento ni Pat, kanyang naaasahan si Boss Keng pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga anak sa oras ng kanyang pahinga.

Bukod pa rito, naging sandigan rin ni Pat ang kanyang mister pagdating sa mga hamon na kanyang kinakaharap pagdating sa mental health. 

Inamin ni Pat na nang manganak siya, hindi n’ya naiwasang makaramdam ng loss of sense of identity, na s’ya namang agad inalalayan ni Boss Keng.

“Ako, personally, after giving birth, nawalan ako ng sense of identity na parang gusto ko na lang lahat is para sa mga anak ko,” kwento ni Pat.

“Ako naman, matibay ‘yung mental health ko, super okay ako. Wala akong iniisip. Ang lagi ko lang iniisip, ikaw [Pat],” ani Boss Keng.

Dagdag pa n’ya, “[Iniisip ko] kung paano kita masu-support para hindi mo ma-feel na neglected ka or ‘di mo naiisip na napag-iiwanan ka. Bilang asawa mo, ‘yun ‘yung lagi kong tinitignan.”

Netizens’ Reactions

Samantala, marami ang naantig sa sakripisyong inialay ni Boss Keng sa kanyang mga mag-iina, dahilan upang mas lalong hangaan s’ya ng nakararami.

Angel Salandanan – Rubio: “May everyone have a husband with this kind of mentality”

Mai Mai Nylah: “Sana all boss Keng!”

Cris Boragay Fidelino: “Sana ganun din sa akin. Pwede naman pala maging ganun ang mga lalaki. Sana lahat na lng. Para walang babaeng nalulungkot at nasasaktan.”

Seiko Lacuesta delos Reyes-Jaud: “Hindi lahat ganyan mindset mamsh kaya very blessed ka jan!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Elevates ‘Sugod Nanay Gang’ Series In Barangay Edition

Matapos ang matagumpay na pilot episode ng ‘Sugod Nanay Gang,’ muling nagbalik ang Team Payaman…

11 hours ago

Team Payaman’s Burong Shares a Glimpse of Kontrabida Moves and Pickleball Fun

Sa pinakabagong vlog ni Aaron Macacua a.k.a. Burong, ibinahagi niya ang ilan sa mga kanyang…

12 hours ago

Doc Alvin Francisco Fulfills Dreams of Future Doctors Through Scholarship Initiative

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…

5 days ago

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…

6 days ago

Netizens Applaud Pat Velasquez-Gaspar After Sharing First Hosting Experience

Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…

6 days ago

Viyline Media Group Partners with Opulent Beauty for Team Payaman Fair 2025 in Cebu

Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…

7 days ago

This website uses cookies.