Makalipas ang halos apat na buwan, ginulat ng Team Payaman headmaster at content creator na si Cong TV ang mga manonood sa kanyang bagong YouTube upload.
Tunghayan ang kwento sa likod ng kanyang comeback vlog at kung para kanino niya nga ba ito inaalay.
Muling ibinida ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang bangis sa pagbuo ng kwento sa pamamagitan ng pagpapasilip ng mga tagpo sa kanilang Japan adventure noong nakaraang Pebrero.
Subalit, ang kwento nito ay tila paghihiganti rin pala sa kapwa TP member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, na unang bumisita sa Japan bandang Disyembre ng nakaraang taon.
“Few months ago, pumunta si Boss Keng sa Japan. Wala siyang ginawa kundi mang-inggit. The thing about me is ayokong nalalamangan. Kaya, Boss Keng, ang buong vlog na ito ay inaalay ko sa’yo,” ani Cong TV.
Sa unang lebel ng kwento ng paghihiganti ni Cong, tinawag niya itong ‘Opening’ kung saan panay pamilyar na mga gawain sa Japan lang ang kanilang ginagawa kagaya ng pagbisita sa Legoland kasama ang anak na si Kidlat.
Sinundan naman ito ng mga lebel na tinatawag na ‘Development’ at ‘Middle Game’ na binubuo ng mga karaniwang pranks ng TP Wild Dogs sa isa’t isa pati na rin ng kanilang karanasan sa isang racing circuit at ski resort.
Ang ika-apat na lebel naman ay ang ‘Tactical Sacrifice’ kung saan nasubok ang tapang ng TP Wild Dogs pati na rin ng YKulba sa mga buwis-buhay na aktibidad katulad ng bungee jumping.
At ang pinakahuli naman ay ang ‘Endgame’ kung saan mismong si Cong TV ang sumabak sa extreme skydiving.
“Sino mas masarap ngayon ang Japan sa ating dalawa? Paano mo lalampasan ‘yan ngayon, Boss Keng?,” tanong naman ni Cong matapos ibida kay Keng ang kanilang mga naging aktibidad.
Abangan natin ang susunod na kabanata sa namumuong vlog wars na ito.
Watch the full vlog below:
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
This website uses cookies.