Isang buwan matapos ang kanyang panganganak, balik girl boss mode na agad ang mom of two at CEO na si Viy Cortez-Velasquez.
Hindi maipagkakaila ang kanyang fresh at blooming na awra sa kanyang mga latest post online, patunay na kahit bagong panganak ay kayang-kaya pa rin niyang pagsabayin ang motherhood at pagiging career woman.
Sa kabila ng bagong responsibilidad bilang ina ng dalawang anak nila na sina Zeus Immanuel a.k.a “Kidlat” at Tokyo Athena, hindi nagpapahuli si Viviys sa pagbabahagi ng kanyang daily dose of OOTDs, na nagpakita ng kanyang natural post-pregnancy glow.
Kamakailan ay ibinahagi niya sa social media ang ilang larawan kung saan makikita ang kanyang effortless beauty habang suot ang smart casual outfit.
Kapansin-pansin din ang kanyang minimal makeup look na lalo pang nagbigay-diin sa kanyang natural na ganda.
Bukod sa kanyang OOTD, bumilib din ang marami sa kung paano niya nababalanse ang pagiging hands-on mom at pagiging isang negosyante.
Muling pinatunayan ni Viviys na posible pa ring maging stylish at confident kahit pagkatapos ng isang malaking milestone tulad ng panganganak.
Samantala, hindi rin maitago ng mga netizens ang kanilang paghanga sa “balik-alindog program” ni Viviys. Marami ang napabilib sa kanyang blooming look at effortless na dating matapos manganak.
Rina Dela Cruz Dimaapi: “Ganda naman talaga, parang hindi nanganak si Miss Viy.”
Ruth Patatag Lumauag: “Balik alindog program [na] naman si Miss Viy Cortez-Velasquez, baka masundan na naman nyan si Tokyo.”
Jhovilyn Baldomero: “Mas naging blooming after manganak.”
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
This website uses cookies.