VIYmonte Kitchenomics Is Back: Mommy Viy Faces Daddy Cong in Cook-off Vlog

Isang panibagong edisyon ng VIYmonte Kitchenomics ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez kasama ang mister n’yang si Cong TV.

Tunghayan ang mga nakakatuwang tagpo sa likod ng cook-off ng mag-asawang Cong at Viy kasama si Kuya Kidlat!

Challenge accepted!

Sa kanyang bagong vlog, inanyayahan ni Mommy Viy Cortez-Velasquez ang asawa n’yang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, sa isang cook-off sa loob ng kanilang tahanan.

Kwento ni Mommy Viy, stay-at-home ang Pamilya Velasquez nitong nakaraang Holy Week sapagkat hindi pa nila pwedeng i-gala si Baby Tokyo at siya naman ay recovery mode pa matapos manganak.

Kaya naman, hinamon na lang niya si Daddy Cong sa isang cooking challenge, kasama na rin ang kanilang unico hijo na si Kuya Kidlat. 

Dati, guys, kami lang ni Cong ang may paganito. Ngayon, meron na kaming batang makulit,” pagbabalik tanaw ni Viviys.

Ang pinaka-unang hamon sa kanila ay ang pagkuha at pagkumpleto ng mga rekados na kanilang gagamitin sa loob lamang ng isang minuto. 

Malay ko sa pagluluto. Sana ang hinamon mo sina Ninong Ry, sina Judy Ann,” pabirong pag-angal ni Daddy Cong.

Ang mga sangkap na kinuha ni Viy ay carrot, mais, hotdog, at kanin para sa kanyang DIY fried rice. 

Datapwa’t napadami ang mga sahog at napa-onti ang kanin ay ipinagmamalaki ni Viy na tila hango sa kilalang restaurant ang kanyang luto.

Ako hindi ko na kailangan magsalita. Alam niyo na kung ano ‘yung sa akin,” ani Viviys.

Samantala, si Daddy Cong naman ay nakakuha ng labanos, okra, sibuyas, sili, saging, talong, sinigang mix, at noodles.

Tinawag niya itong “The Cong TV Specialty”, isang Sinigang ala noodles with Banana: Ang sinigang na gulay, walang karne, ngunit  may saba. 

Hintayin niyo lang. Huwag kasi kayong nanghuhusga agad. Mukha lang hindi masarap ‘yan. Mamaya magkaka alaman tayo,” pagtatanggol ni Daddy Cong sa kanyang lutuin.

The Verdict

Matapos ang pagpiprito at pagpapakulo sa kanilang mga putahe ay oras na upang tikman ang kanilang mga iniluto. 

Tila proud na proud si Cong sa kanyang newly discovered recipe. “Parang breakthrough ‘to sa history ng pagluluto,” biro niya.

Sa huli, nakakuha rin ang kanilang mga putahe ng double thumbs up mula kay Kidlat at approve rin naman ito para kay Genggeng.

Watch the full vlog below: 

Alex Buendia

Recent Posts

‎Team Payaman’s Clouie Dims and Chino Liu Share Their First Head Spa Experience

‎ Isang super relaxing na 'SPAdventure' ang ibinahagi ni Clouie Dims sa kanyang pinakabagong YouTube…

1 day ago

Team Payaman’s Boss Keng Launches Playhouse Pickle in Bacoor, Cavite

Isang bagong pasilidad para sa mga mahihilig sa pickleball ang binuo ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Cong TV Captures Hearts with Aaron Oribe’s Journey in Latest Vlogs

Isang nakakaantig na pangyayari ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Cong TV sa…

3 days ago

Tokyo Athena Charms Netizens With Adorable Mulan-themed Photoshoot

Wala na namang mapaglagyan ng gigil ang mga netizens sa overload cuteness na hatid ng…

3 days ago

Get Creative and Start Building with TP Kids’ All-New Building Blocks

As kids grow older, they crave fun and memorable bonding moments without spending the entire…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spends a Day in the Life as a ‘Sepulturera’

Isa na namang kakaibang karanasan ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.