
February 28, 2025 nang ipanganak na ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang bunso nilang si Ulap Patriel V. Gaspar.
Tunghayan ang mga tagpo sa hindi malilimutang karanasan ni Mommy Pat bilang isang second-time mom.
Similarities with Isla
Una nang naibahagi ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang social media followers ang posibilidad ng panganganak nito sa pamamagitan ng C-section o Cesarean delivery.
Sa kabutihang palad, nagbago ang posisyon ni Baby Ulap, dahilan upang manganak si Mommy Pat sa pamamagitan ng normal delivery.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mommy Pat ang mga tagpo mula pa lamang sa oras ng kanilang consultation kasama ang kanyang doktor.
Ayon sa kanya, walang pinagkaiba ang mga tagpo nang una niyang ipanganak ang panganay n’yang si Kuya Isla.
“Same na same ‘yung nangyari n’ung first pregnancy ko. Nagpa-check up lang kami tapos 2CM na ako. This time, nagpa-check up lang, 4CM na pala,” kwento ni Pat.
Welcome, Ulap!
Agad na nagpa-admit si Mommy Pat sa hospital upang antabayanan ang pagdating ng kanilang bunso.
Kaagapay n’ya ang mister n’yang si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, mula sa pagle-labor hanggang sa tuluyang panganganak.
Alas-otso ng gabi nang makaramdam na si Pat ng pananakit at tuluyang pagputok ng kanyang panubigan —senyales na lalabas na si Baby Ulap.
Isang “bittersweet” moment ang kanyang naramdaman dahil sa likod ng mga ngiting dala ni Baby Ulap ay ang kakaibang sakit na kanyang naramdaman sa panganganak.
Kwento n’ya sa kanyang vlog, hindi pa natatapos ang paglalagay ng anistisya ay nakaramdam na s’ya ng hindi matatawarang sakit dala ng contractions.
Walang ibang opsyon si Mommy Pat kung hindi tuluyang iluwal si Baby Ulap kahit pa hindi pa tumatalab ang anistisya.
Ligtas at malusog namang nailabas ni Mommy Pat si Baby Ulap, dahilan upang maging emosyonal sila ni Daddy Keng.
Labis rin ang tuwa ng kanilang panganay na si Kuya Isla ng unang masilayan ang kanyang bunsong kapatid.
“Hi, Ulap!” pagbati n’ya.
Congratulatory Messages
Samantala, marami rin sa mga taga-suporta ng Team Boss Madam ang nagpadala ng kanilang pagbati para sa pamilya Velasquez-Gaspar.
@ghiegga: “I understand why this vlog took a long time to upload. Yung happiness, exhaustion and trauma all rolled into one is hard to relive. Somewhat similar din what happened to me last year with my 2nd born child. Thank you for sharing Pat and Boss Keng. God is good!”
@doloresarguilles2167: “Grabe di naman ako nanay pero nakakaiyak yung paghawak at pagsama sayo ni Boss Keng hanggang sa ma kalmado at relax ka na, talagang dapat mamili ng magandang partner sa buhay lalo na sa ganito na mga ganap”
@LeslieSoriano-b7h: “When Ulap cried, napaiyak rin ako nagflashback ung pregnancy to birthing journey ko. Galing mo pat! Congrats & welcome to the outside world baby Ulap!”
@MariaPamelaGalang-x8s: “Naiyak ako kasi yung ang tagal umiyak ni Ulap at bumuhos lalo nung narinig ko na. Naniniwala talaga ako na napka swerte ng babae pag mas mahal sya ng lalake iba ka Boss Keng! Congratulations, Pat!”
Watch the full vlog below:
