Team Payaman’s Genggeng Falls for Viy Cortez-Velasquez’s “Pumutok ang Panubigan” Prank

Maalala na binigyan ng Team Payaman vlogger na si Viy-Cortez Velasquez ng latest iPhone ang kapwa Congpound housemate niyang  si Kevin Cancamo, a.k.a “Genggeng.”

Ngunit ayon sa kanya, hindi pwedeng wala itong kapalit, kung kaya’t naisipan niyang takutin si Genggeng sa pamamagitan ng kunwaring pagputok ng kanyang panubigan.

The Prank

Sa simula ng kanyang Facebook reel, makikita kung paano pinaghandaan ni Viviys ang prank niya gamit ang simpleng props tulad ng plastic labo na may lamang tubig upang mapaniwala si Genggeng na lalabas na si Baby Tokyo.

Bago magsimula ang kanyang prank, makikita sa CCTV footage ang paghingi niya ng pabor kay Genggeng upang linisin ang kalat sa labas ng kanilang bahay. 

Bukod pa rito, ilang ulit rin siyang humiling ng iba’t ibang pabor sa binata, gaya ng pagbubukas ng aircon at pagkuha ng tubig.

Kalaunan, mapapansin sa nasabing video na tila hindi mapakali si Mommy Viy, dahilan upang mapansin ito ng kanyang mga kaibigan. Sandali siyang tumungo sa kanilang sala bago isagawa ang prank.

Pagkalabas, nagkunwari na siyang pumutok ang kanyang panubigan, dahilan upang agad mag-alala ang kanyang mga kaibigan, partikular na si Genggeng. 

Samantala, si Genggeng ay kumaripas ng takbo papunta sa walk-in closet nina Viy upang kunin ang mga gamit na inihanda nila para sa kanyang panganganak. 

Kasunod nito, lalong tumindi ang tensyon nang madamay na rin ang iba pa niyang mga kaibigan na halatang nabigla sa pangyayari. 

Dahil bumigay na raw ang kanilang wheelchair, naisipan ni Genggeng na sa gaming chair na lang paupuin ang kanyang Ate Viy. 

Bago ito gawin, maingat muna niyang tinuruan si Dudut ng tamang paraan ng paglipat ng tiyan sa kabilang bahagi ng upuan, ayon sa tinatawag na safety protocol.

Habang nag-panic si Viy, sinabi niyang lalabas na raw, kaya’t agad nagbigay ng instructions si Dudut at Geng, na nagsabing dahan-dahan lang at umupo na lang siya sa upuan. 

Sa huli, si Geng, na medyo nag-aalangan, sinabi na lang na ayaw niyang sumilip. Dito na hindi napigilan ni Viy ang pagtawa.

Pagkatapos ng prank, inamin ni Geng na nanguna ang kanyang kaba at agad na naisip na baka totoo na ang mga pangyayari.

Netizens’ Comments

Maraming mga manonood ang nag-abang sa prank ni Viviys para kay Genggeng, kaya hindi na nakapagtataka na umani ito ng iba’t ibang reaksyon online.

Richard Borrero: “‘Yan ‘yung sinasabi na Daddy mindset ni Cong, na adopt na ni Geng kahit prank lang. At least si Geng agresibo at talagang maaasahan.”

Eva Manalo-Caringal Vivas: “Kahit alam ko [na] prank, kinabahan pa din ako. Mautas na lang ako kakatawa sa sagot ni Geng, “Ate, ayaw ko sumilip”.”

Roxette April Ofracio: “‘Yung “Ate, ayaw kong sumilip” talaga ni Geng. Nakakatawa at the same time na nakaka-proud kasi grabe ang respect and love niya kay Viy Cortez-Velasquez. Go Team Payaman.”

Pat Ric Ia: “Sa wakas in-upload mo din. Akala ko pag [nag] dalaga na si Tokyo, eh. Pero very very Cong si Geng.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

3 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.