Team Payaman’s House G Members Get Real in a Viral Lie Detector Test Challenge

Naghatid ng katatawanan at tensyon ang bagong Facebook reel upload ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez, kung saan sumailalim ang ilang Team Payaman House G members sa isang Lie Detector Test Challenge.

Kabilang sa mga sumabak dito ay sina Mama Acar at Ate Lanie, Kevin at Genggeng, tambalang PatAga, pati na rin sina Ephraim at ang nobya niyang si Alex. 

Ate Acar x Ate Lanie

Nagsimula ang challenge sa tandem nina Ate Lanie at Mama Acar, na kung saan unang pinag-usapan ng mga ito ang love life ni Ate Acar.

Tinanong ni Ate Lanie si Mama Acar kung nami-miss ba niya si Kenneth. Sinagot ito ni Mama Acar ng “Syempre, sobrang miss ko yun,” at tumama ito sa lie detector.

Matapos nito, si Mama Acar naman ang nagtanong kay Ate Lanie kung nagkunwari siyang tulog nang tinag siya ni Viviys sa isang Facebook post noong may ipinapasuyo ito. 

Itinanggi ito ni Ate Lanie at kinumpirma ng lie detector na totoo ang kanyang sagot.

Hindi rin nakaligtas si Mama Acar sa tanong kung napalo na ba niya ang anak ni Mommy Viy na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Sinagot niya ito ng “Hindi,” at nang makita si Kidlat, agad rin niya itong tinanong kung naranasan ba nitong mapalo habang nasa pangangalaga ni Mama Acar, na agad din naman itinanggi ni Kidlat.

Kevin x Geng

Sumunod namang sumabak sa challenge sina Kevin at Genggeng. Ang unang tanong ni Genggeng sa ka-tandem na si Kevin ay kung nagsasawa na ba siya itong makasama. 

Ayon kay Kevin, hindi siya nagsasawa, pero aminado siyang may mga ugali si Genggeng na kailangan nitong baguhin.

“To clarify lang, kasi si Genggeng may mga behavior siya na kailangan pa ng correction. Eh Gengeng bilang tao, hindi ako nagsasawa sa kanya. Parang kasi, ‘yun nga, two years na rin tayo magkasama,” paliwanag ni Keboy.

“Parang I’ve learned na rin na parang mahalin si Genggeng bilang nakababatang kapatid.” dagdag niya pa..

Samantala, tinanong naman ni Kevin si Genggeng kung nag-seselos siya kay Kidlat. Sinagot naman ito ni Genggeng na hindi siya nag-seselos, at nakumpirma naman ito ng lie-detecting machine.

Ang kanilang mga tanong ay umabot pa sa mga isyu ng pagbubulakbol, pag-absent, at pati na rin ang pagiging kamukha ni Genggeng kay James Reid—na pinabulaanan din ng lie detector.

Pat x Aga

Hindi rin nagpahuli ang tambalang PatAga na binubuo nina Pat Pabingwit at Agabus Maza, na nagbigay ng mga sagot pa-tungkol sa kanilang relasyon. 

Sa tanong ni Aga kung masaya ba siya sa mga lakad nila ni Pat, sinagot ito ni Pat ng “Oo naman,” na agad ding kinumpirma ng lie detector.

Nang tanungin si Pat kung tingin niya ay husband material si Aga, sumagot siya ng buong puso at ibinahagi ang paghanga niya sa pagiging maalaga nito sa ina—si Mama Acar. 

“Ito naman, before I answer, alam naman nilang lahat, even, for sure naman, si Ate Acar, even my friends. Iba naman talaga ‘yung personality ni Aga. And one point na nagustuhan ko sa kaniya kasi sobrang caring niya sa mother niya, which is si Ate Acar,” paliwanag ni Pat.

Dagdag niya, ang paraan ng pagtrato ng lalaki sa kanyang ina ay sumasalamin sa kung paano siya magmamahal sa magiging asawa.

Sumalang din ang editor ni Cong TV na si Ephraim Abarca at nobya nitong si Alex Jalandoni na nagbatuhan ng mga kwelang katanungan. 

Isa sa mga nakakatawang tanong ay kung mamahalin pa rin ba nila ang isa’t isa kung maging uod sila—na pareho nilang sinagot ng hindi.

May mga seryosong tanong din tulad ng kung naliligo ba sila araw-araw, kung kayang mag-cheat para sa isang milyong dolyar, at kung may ibang maganda bang nakita si Ephraim sa loob ng limang taon ng kanilang relasyon.

Kevin and Geng’s Heartfelt Exchange

Bago matapos ang video, naging emosyonal ang tandem nina Kevin at Genggeng. Ayon kay Genggeng, naiintindihan niya ang mga pagsita ni Kevin at kailanma’y hindi niya ito kinikimkim.

Nagpasalamat siya kay Kevin sa pagiging “Kuya” sa araw-araw, at sa mga tamang asal na kanyang initinuturo rito.

“Si Kevs, na-appreciate ko siya kasi, bukod kay Kuya Con, si Kuya Con, nagpapa-aral sa akin, guardian ko siya. Pero, like, ‘yung kasama ko araw-araw, like pinaperfect ako sa mga bagay na dapat perfect ka dito, kaya dapat good ka dito. Si Kevs ‘yung nagpapakita nun kasi, maghapon kami lagi magkasama araw-araw eh,” aniya

“Pati sa gabi, halos buong araw siguro magkasama kami, kaya na-appreciate ko ‘yun kapag may mali ako, pinaperfect niya naman ako, pinapakita naman sa akin ‘yun. And sinasabi naman niya sa akin ‘yung mali ko, ‘yun lang, na-appreciate ko ‘yun,” dagdag pa ni Geng.

Payo naman ni Kevin kay Geng, huwag nitong personalin ang kanyang mga pagsaway, at ituring na lamang itong isang susi para sa personality development.

Angelica Sarte

Recent Posts

#SiblingGoals: Team Payaman’s Mavi and Viela’s Cutest On-Cam Moments

Talaga namang sa tipikal na pamilya, ang magkapatid ay may on-and-off na samahan. ‘Yan ang…

2 days ago

Doc Alvin Francisco Advocates For a Healthier Eating Habit

Hindi maipagkakaila na isa ang pagkain sa mga hilig ng mga Pilipino lalo pa’t isa…

3 days ago

Four Times Pat Velasquez-Gaspar Proved the Value of Motherhood

“There is no way to be the perfect mother but there are a million ways…

3 days ago

Be Summer-Ready with Viyline Printing Services’ Personalized Essentials

Ready to refresh your summer wardrobe? Viyline Printing Services’ Summer Essentials collection has you covered…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Exclusive Snippets from Baby Tokyo’s Birth

Isang emosyonal na tagpo ang ibinahagi ng Team Payaman mom na si Viy Cortez-Velasquez nang…

5 days ago

Netizens Were Touched by Kuya Kidlat’s First Encounter with Baby Tokyo

Dumating na ang isa sa pinaka-inaabangang sandali para sa mga tagasuporta ng Team Payaman—ang pagsilang…

5 days ago

This website uses cookies.