Zeinab Stuns At The Bench Body of Work Fashion Show

Muling nagbabalik sa runway ang isa sa mga kilalang clothing brand sa bansa, ang “Bench Body of Work,” na ginanap sa SM Mall of Asia Arena noong Biyernes, Marso 21, 2025. 

Dinaluhan ito ng mga sikat na celebrities, personalities, at models, kabilang ang content creator na si Zeinab Harake, na hindi nagpahuli sa kanilang sizzling hot looks.

Star-Studded Runway

Unang nagpasiklab ang GMA actor na si Alden Richards sa pagbubukas ng show, habang ang “Box Office Queen” naman na si Kathryn Bernardo naman ang nagsilbing closing act sa nasabing runway fashion show.

Kasama rin sa mga rumampa ang ilan pang mga aktor gaya nina EA Guzman, Royce Cabrera, Jake Cuenca, Kelvin Miranda, Janine Gutierrez, at Ina Raymundo, na nagbigay ng bold at stylish statements sa kani-kanilang Bench outfits.

Isa sa mga pinaka-inabangang performances ng gabi ay mula sa P-Pop brand ambassador n SB19 na kinabibilangan nina Pablo, Ken, Stell, Josh, at Justin.

Dumalo rin sa event sina Joshua Garcia at David Licauco, habang nagpakita naman ng youthful energy ang Pinoy Big Brother Gen Z housemates na sina Kai Montinola, JM Ibarra, at Fyang Smith, pati na rin sina Andres at Atasha Muhlach, Seth Fedelin, at Francine Diaz.

Higit pa rito, umagaw rin ng pansin ang red at black swimwear na suot ng mga celebrities tulad nina Sunshine Cruz, Lovi Poe, at beauty queens na sina Michelle Dee, Ariella Arida, Celeste Cortesi, at iba pa, na nagbigay ng striking statement sa runway.

Sa pagtatapos ng event, umakyat sa stage ang Bench CEO na si Ben Chan, kasama ang lahat ng models at celebrities, para sa isang grand curtain call.

All Eyes on Zeinab

Bukod sa underwear collection, ipinakita rin sa show ang Bench activewear line, na inirampa ng 2021 Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz, Mister World Philippines 2024 Kirk Bondad, Kapuso actress Max Collins, at content creator na si Zeinab Harake.

Suot ang black leather swimwear na bumagay sa kanyang fierce aura, umagaw ng atensyon si Zeinab sa pamamagitan ng kanyang confident runway walk. 

Isa sa mga hinangaan ng mga manonood ay ang kanyang mini baton-twirling performance. 

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Zeinab kung gaano siya kasaya na maging parte ng nasabing event. Aniya, matagal na niyang pinangarap na maging isang runway model, kaya labis ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong ibinigay ng Bench.


“I’m so grateful to be invited kasi sobrang pangarap ko ang maging model. Kung napunta [man] ako sa vlogging career, dream ko talaga is maging runway model—and this is my first time!” pasasalamat ni Zeinab.


Netizens’ Comments

Samantala, agad na nag-viral sa social media ang kanyang runway modeling moment, na umani ng papuri mula sa netizens.

Joana Vallejo: “This is [a] real fashion show. Zebby looks stunning and elegant.”

Joy Ramos: “Grabe! Congratulations on your 1st fashion show! I’m so proud of you!”

Shella Damasco: “Sooo proud of you Zebby! You’re absolutely crushing it!”

Watch the full video below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Cong TV’s ‘Cong Clothing’ Drops Hints of New Collection

Following the release of their successful TEAM PYMN: Headbang collection earlier this year, Cong Clothing…

1 day ago

Veteran Wedding Host Eri Neeman Addresses ‘Kalbo’ Jokes

Kilala si Eri Neeman bilang isa sa mga tanyag na wedding hosts sa bansa na…

1 day ago

Reasons Why Your Home Needs Perfect Scent by Viyline’s Room and Linen Spray

Want that luxurious "amoy mayaman" vibe without emptying your wallet? Achieve a refined and luxurious…

2 days ago

Cong TV Levels Up the Payback Game Against Boss Keng

Makalipas ang halos apat na buwan, ginulat ng Team Payaman headmaster at content creator na…

2 days ago

Doc Alvin Explains Women’s Hormonal Cycle and Announces New Supplement

Sa isang bagong IG reels upload, muling naghatid ng kaalaman ang resident Team Payaman doctor…

2 days ago

Times That Team Payaman’s Genggeng Became So Relatable

Bukod sa pagiging kilalang miyembro ng Team Payaman, unti-unting bumubuo ng pangalan Genggeng sa mundo…

3 days ago

This website uses cookies.