Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o hindi naman kaya pagsa-shopping. 

Kamakailan, nagtungo ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada sa Taiwan para sa kanilang much-needed vacation. 

Taipei 101

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng aktres slash vlogger na si Catherine Gonzaga-Morada, a.k.a Alex Gonzaga, ang mga tagpo sa kanilang recent Taiwan trip kasama ang asawa n’yang si Mikee Morada.

Isa sa mga unang destinasyon ng mag-asawa ay ang Taipei 101, ang iconic skyscraper na dati ring pinakamataas na building sa mundo. Ito ay hindi lang architectural marvel, pero isa ring perfect spot para makita ang breathtaking view ng Taipei skyline.

Night Markets

Of course, hindi kumpleto ang Taiwan adventure kung walang food trip! Nilibot ng mag-asawa ang ilan sa mga sikat na Taipei Night Market, kung saan natikman nila ang mga authentic Taiwanese delicacies. 

Isa sa kanilang favorites? Ang Xiao Long Bao, isang juicy soup dumpling na talagang kinakailangan munang i-dip sa sauce bago kainin. 

“Sarap! Sarap talaga!” ani Alex habang tinikman ang dumpling. 

Dahil malamig ang weather, naghanap din ang mag-asawa ng pampainit. Napadpad sila sa isang authentic tea shop, kung saan natikman nila ang famous oolong tea at sugarcane juice. 

“Healthy tasting siya!” reaksyon ni Alex nang matikman ang kanilang inumin. 

Vintage Finds Shopping

Bukod sa food trip, na-excite rin si Alex sa mga unique second-hand stores at aesthetic cafés na matatagpuan sa Taipei. 

Mahilig si Alex sa mga rare finds, kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataong makahanap ng mga authentic pre-loved luxury items. 

“Pwede niyo ako i-judge,” biro niya sa vlog habang excited na nag-explore sa vintage store. 

Shifen Lantern

Isa sa pinaka-highlight ng kanilang trip ay ang pagpapalipad ng lantern sa Shifen, isa sa mga kinikilalang wish-granting spots sa nasabing bansa.

Habang hawak nila ang lantern, nagbahagi si Alex ng ilan sa mga hamon na kanilang nalagpasan bilang mag-asawa. 

“Sometimes, it’s okay to relax and reset. You deserve it,” payo ni Alex sa mga manonood.

Netizens’ Comments

Marami ang natuwa at kinilig sa alone time bonding ng mag-asawa sa Taiwan, dahilan upang ipadala nila ang kanilang pagbati para sa dalawa.

@cvbnmqwas: “Naiyak ako dun sa sinulat ni Alex na healthy babies for them. Talagang pinagp-pray ko na magka-baby na kayo. Swerte ng magiging baby nila Alex. Hindi pa man dumadating pinagdadasal na ng karamihan. Wanted na. In God’s perfect time mabibiyayaan din kayo. Amen!”

@DaisyDimatawaran “Lord please i know na madaming napapasaya ng mag asawang to. Please sila naman bigyan nyo ng walang katubas na saya yung magka-ANAK. deserve po nila yun. In Jesus Name. Amen”

@leab.legaspo7931 “You are always included in my prayers Ma’am Alex. We may not know each other but you are one of the reasons I smile when in sorrow. Just always trust His perfect timing. By God’s grace, you’ll have your own babies”

@farZLouise9994 “Mikee is just perfect for Alex’s personality. Love this vlog, nag enjoy lang sila together and the genuine gesture ni mikee shows love niya si Alex”

@dory5715 “I know a lot of people already prayed for you but just want you to know that I prayed for you and Mikee during my recent trip to the Vatican. Let’s claim it, in Jesus name!”

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.